SA PAGPAPATULOY ng ika-80 anibersaryo nito, nagbabalik-tanaw ang PascualLab sa kasaysayan, nagbibigay-pugay sa Filipino excellence, at sumusulong sa hinarap nang may pinaigting na commitment sa health at wellness ng mga Filipino.
Walong dekada mula nang ito ay inilunsad, patuloy ang Pascual Laboratories, Inc. (PascualLab) sa pagsabay sa nagbabagong pangangailangan ng pamilyang Filipino sa pamamagitan ng family-friendly, quality health and wellness products na tumutugon sa iba’t ibang pangangailangan — lahat nag-uugat sa malasakit na nakilala ang PascualLab.
Inilunsad noong 1946 ng founders na sina Isosceles at Leonora Pascual para tugunan ang post-war needs ng mga Filipino, lumawig na ang PascualLab at ngayon ay kilala na bilang tahanan ng mga household brands tulad ng Ascorbic Acid (Poten-Cee), Vitex negundo L. Lagundi Leaf (Ascof Lagundi), C-Lium Fibre Food Supplement, at OraCare Mouthrinse.
Ginagabayan ng vision nitong Strong, Healthy Families, pinalawig naman ng PascualLab ang commitment nito ngayong milestone year na 2026, sa pamamagitan ng temang #GalingThatKeepsGoing –isang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan nito, sumasalamin sa hangarin nito, nagbibigay-pugay sa kahusayan ng Filipino, at tumitingin sa hinaharap dala ang lahat nang ito para maihatid ang health and wellness products sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Galing (Healing)
Sa pagdaan ng panahon, nagbabago rin ang mga pangangailangan. Kaya naman bilang tugon, sinasamahan ng PascualLab ang mga Filipino sa bawat panahon at pagbabago, sa pamamagitan ng mga health products at innovations. Bawat produkto ay nilikha at sinusuri para maging mas naaangkop ang mga produkto at naaabot ng mas nakararaming Filipino.
Kabilang dito ang MyColla-C, isang premium Collagen + Vitamin C support para sa mga taong nasa mid-30s at 40s. Sa pagharap nila sa ‘ika nga ay next brightest chapter, katuwang nila ang MyColla C; at Paracetamol + Vitamin B1 + Vitamin B6 + Vitamin B12 (Alevia-B) para sa triple action relief sa mild to moderate muscle, joint, at nerve pain.
Kamakailan din ay inilunsad ng PascualLab ang Poten-Cee Gummies, Ascorbic Acid na nasa yummy, gummy format para sa Vitamin C needs ng mga mas nakababatang miyembro ng pamilya; at Pelargonium sidoides DC. Root (PELARGO), isang natural option para sa relief mula sa common cold.
Galing (Excellence)
Sa likod ng PascualLab ay ang mga taong may kalinangan, katapatan, at malasakit para maisulong ang vision, mission, at values ng kompanya.
Para sa PascualLab, ang excellence na ito ay hindi lamang nakikita sa innovation ng kanilang health products – ito ay nangangahulugan din ng mga health and wellness products na abot-kaya ng mga pamilyang Filipino. Kaya naman bilang bahagi ng 80th celebrations nito, nagbahagi rin ng Php 80 off sa mga produktong PascualLab, sa pakikipagtulungan nito sa isa sa pinakamalamaking drugstores ng bansa – isang pasasalamat sa maraming taon ng suporta ng mga Filipino.
Galing (Roots)
Lahat ito ay patuloy na nakatuon ang PascualLab sa vision nitong Strong Healthy Families at mission “to deliver quality, health and wellness products to every Filipino” – na iisa lamang ang pinagkaugatan – ang malasakit sa kapwa Filipino na isinabuhay ng mga founders nito noong panahon ng digmaan.
Sa pagpapatuloy ng 80th celebration ng PascualLab na sentro ang quality and care, buo ang loob ng PascualLab na makamit ang pangarap na Stronger, Healthier Filipino families, ano man ang panahon at pagsubok. Para sa PascualLab, ito ang tunay na kahulugan ng #GalingThatKeepsGoing.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://linktr.ee/pascuallaboratories.
