Beauty Queen/Actress Marcene Bermundo pinarangalan sa I Conique 

Marcene Bermundo Vehnee Saturno

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA ang teen actress at beauty queen na si Marcene Bermundo sa mga pinarangalan sa I-Conique Prestige Awards 2026 and Grand Launching of I-Conique Magazine na ginanap sa Novotel, Araneta City kamakailan.

Si Marcene ay miyembro ng Ppop All Female Group na CESSA na nasa pangangalaga ni Ladine Roxas-Saturno at Maestro Vehnee Saturno na kasabay nitong tumanggap ng award sa I Conique Prestige Awards.

Nagpasalamat si Marcene  kina Cecille Bravo at Raoul Barbosa ng I Conique Prestige Awards.

sa pagkilalang ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang inang si Virgie Bermundo na laging nakasuporta sa kanya.