MATABIL
ni John Fontanilla
ISA ang teen actress at beauty queen na si Marcene Bermundo sa mga pinarangalan sa I-Conique Prestige Awards 2026 and Grand Launching of I-Conique Magazine na ginanap sa Novotel, Araneta City kamakailan.
Si Marcene ay miyembro ng Ppop All Female Group na CESSA na nasa pangangalaga ni Ladine Roxas-Saturno at Maestro Vehnee Saturno na kasabay nitong tumanggap ng award sa I Conique Prestige Awards.
Nagpasalamat si Marcene kina Cecille Bravo at Raoul Barbosa ng I Conique Prestige Awards.
sa pagkilalang ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang inang si Virgie Bermundo na laging nakasuporta sa kanya.
