SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
AMINADO si Pops Fernandez na nakasama na halos niya ang lahat ng magagaling na singer maliban lamang kay Sharon Cuneta.
Kahapon sa kanyang Pops media conference na ginanap sa Kusina Sea Kitchen ng Hillton Manila sa Newport, sinabi ni Pops na, “Dream concert with Sharon,” na lamang ang kulang nang matanong kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho o makasama sa isang concert.
“I’m happy to perform with her,” wika pa niya. “I guested in her concert and she guested in my concert. But we never done a back to back together. “
Kaya naman nasa bucket lists niya ang magkasama sila ni Sharon.
“So isa iyan sa dream ko. Kapag nagawa ko na iyan pwede na ako, though semi-retired na ako, iyan matse-tsek ko na iyan, masasabi ko nang halos lahat talaga eh nakatrabaho ko na,” dagdag pa ni Pops.
Kinakapatid ni Pops si Sharon dahil pamangkin ang Megastar ni Helen Gamboa na ninang naman niya.
“Inaanak ako ni ninang (Helen) kaya lahat ng children’s party nagkikita kami,” wika pa ni Pops.
Sinabi ni Pops na napag-uusapan ang ukol sa posibilidad na pagsasama nila sa isang concert.
“Pero hindi pa masyadong nase-serious. So sana…I always say na in everything in life is possible, there is that possibility.
“Ate Shawie, ayan na nagpaparinig ako sa iyo,” nakangiting sabi pa ni Pops.
Sa isang interbyu nasabi ni Pops na hindi sila rival ni Sharon bagamat pilit silang pinagtatapat ng iba.
Pero para sa kanya, hindi rival ang tingin niya kay Sharon. “I know that the people pitted us against each other… and of course, we had the same manager discoverer, si Ninong Tito, ‘no?” paliwanag na tugon pa ni Pops sa isang interbyu.
Sa isang banda natanong kung bakit Pops ang titulo ng kanyang concert na magaganap sa November 26, 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater na special guests sina Regine Velaquez, Vina Morales, Erik Santos, Helen Gamboa-Sotto, Jay Durias and Martin Nievera. Handog ng Echo Jham Entertainment Production, DSL, Nexus, Collaboration. Ito ay mula sa direksiyon ni Calvin Neria at ang Music Director ay si Homer Flores.
Tugon ng magaling na mang-aawit, “Pinaghirapan namin ang title dahil milestone raw kaya ‘Pops.’
“And I figured why not ‘Pops?’
“Because ‘Pops’ is a rare name.
“As a matter of fact, wala naman yatang ibang Pops sa industriya natin, ako lang naman yata. And I want to say that there’s only one Pops, there is only one style Pops. So my style is my style.
“Pwede pang magbago ng kaunti, pwedeng mag-try ng iba, sometimes, pero babalikan ko pa rin uli ang Pops.”
At dahil kilala sa mga pasabog sa tuwing magko-concert si Pops, makikita pa rin kaya ito sa kanyang Pops concert sa Nov. 26?
“Difference ngayon ng concert, siguro ang edad ko,” natatawang birong tugon nito.
“Everytime I’m doing a concert whether big or small venue, napapansin n’yo na laging may pa-surprise, may pa-bagong something at siguro dahil noong araw natatak na sa akin iyan na everytime nagko-concert ako nagsu-surprise kami ng entrance d’i ba?
“Mayroon kaming pasabog whatever para sa mga hindi naabutan ang mga iyon. Mayroon kaming something like that. Even in a smaller venue, pinag-iisipan kong parati compared to the bigger venues.
“Actually in the future baka i-try ko ang mas intimate venue which I’ve never done.
“So maybe papunta na ako roon (intimate venue), babaligtarin ko. Kung iyong iba intimate muna bago bigger venue, ako pa-intimate naman ako dahil nagawa ko na naman lahat.”
Iginiit pa ni Pops na, “Sa concert na ito marami pa ring pa-surprise. There is always something na different, unexpected everytime Pops does a concert.”
Ang Pops ay handog ng Echo Jham Entertainment Production, DSL, Nexus, Collaboration.
At sinuportahan ng Philippine Airlines, MWell, GAOC, Sta Elena gayundin ng N Organic Nature. Ang ticket ay mabibili sa Ticketworld, www.ticketworld.com.ph (P15,000–Platinum; P12,500–SVIP; P8,500–VIP; P6,500–Gold; P3,500–Silver) o tumawag sa 09324049551.
