Yasser iwas na sa isyung hiwalayan kay Robb

Yasser Marta Robb Guinto

I-FLEX
ni Jun Nardo

IWAS-PUSOY si Yasser Marta nang tanungin ni Nelson Canlas sa 24 Oras kahit hindi binanggit ang isyu ng hiwalayan nila ng sexy actress na si Robb Guinto.

Pumutok ang balitang nagkahiwalay na sila pero tanging si Robb lang ang may pahayag.

Sa tono nga ni Robb, parang bad hiwalayan ang nangyari, huh!

May isang taon na ba ang relasyon nina Robb at Yasser na nagkap-inlaban noong gawin ang movie na Desperada na ipinalabas sa Sinag Maynila?