Sharon sinorpresa si Joey, deadma sa jetlag 

Sharon Cuneta Joey de Leon

I-FLEX
ni Jun Nardo

KAHIT may jetlag pa galing sa Amerika, hindi binigo ni Sharon Cuneta na maging isa sa special guests ni Joey de Leon para sa birthday celebration nito sa Eat Bulaga last Saturday.

Kinanta ni Sharon ang early hit song niyang Mr. DJ, composed by Rey Valera. Isa munang radio DJ si Joey bago inagaw ng TV at pelikula.

Naging co-host din si Joey sa The Sharon Cuneta show noong early years nito sa TV.

Bumati rin kay Joey sina Toni Gonzaga, Mr. Fu, Rufa Mi at iba pang naging bahagi ng showbiz career niya at may video ang hindi nakarating.

Happy, happy birthday, Joey, na naging kaklase ko noong high school noong wala pa siya sa showbiz.