Ryzza Mae-Bimby loveteam wala na nga ba sa Eat Bulaga?

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

NAPURNADA nga ba ang dapat sana’y tuloy-tuloy na pag-click ng tambalang Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino? Ito ang basa ng marami sa tila biglang pagkawala ng loveteam ng dalawa sa Eat Bulaga.

Natanong si Ice Seguerra sa mediacon ng kanyang CE SINGS! An Intimate Concert Series: Musical Hits ay magaganap sa November 6 at 7, 2026, 8:00 p.m. sa Music Museum na prodyus ng Fire & Ice Live at ang tickets ay mabibili sa TicketWorld ukol sa biglang pagkawala ng Ryzza-Bimby (MaeBy) sa iconic noontime show na Eat Bulaga. Ang tambalang ito raw kasi ay nakatulong para lalo pang tumaas ang rating ng noontime show.

Inihahalintulad din ang MaeBy sa naging tambalan noon nina Alden Richards at Maine Mendoza.  

Ani direk Ice, hindi rin niya alam kung ano ang nangyari. 

“Alam mo hindi ko alam. The last time I was there, parang si Bimby wasn’t there. I think he’s focusing on something. Wala lang akong idea. I don’t ask,” ani Direk Ice na nagdidirehe ng Eat Bulaga ng isang linggo once a month.

Hindi itinanggi ni direk Ice na nanghihinayang siya sa MaeBy dahil may following na ang mga ito. 

“Siyempre, nakapanghihinayang. May following na rin sila, it’s getting momentum. I don’t know.”

Wala namang inilalabas na statement ang Eat Bulaga hinggil sa pagkawala ni Bimby sa show at kung babalik pa ba ito. (MValdez)