MGA KaTropa, handa na ba ang mga lalamunan ninyo? Dahil ikinasa na ng TNT ang SAYAOKE, ang kauna-unahang pambansang online karaoke competition na pinalakas ng TNT 5G, ang swabe at maasahang 5G connection sa bansa.
Kaya mag-record na ng inyong audition video gamit ang Vivaoke app at awitin ang anumang sikat na kanta mula sa OPM library ng Viva. Pagkatapos, ipadala ang inyong entry sa official site na https://sayaoke.tntph.com.
“Ang SAYAOKE ang patunay na kayang pagsama-samahin ang mga KaTropa ng TNT 5G, kahit saan man sila bumibirit sa kapuluan,” ani Lloyd R. Manaloto, FVP at OIC ng Smart Communications, Inc. “Bukod pa rito, siyempre ang natural na talento at hilig natin sa pagkanta.”
Mula sa audition, 48 na mapapalad na kalahok ang uusad sa online bootcamp na tuturuan sila ng mga vocal coach para mas lalong maging agaw-pansin ang kanilang performance.
Sasabak ang mga finalist sa pambansang tapatan sa pamamagitan ng mga SAYAOKE Birit Booths na ikakalat sa buong bansa. Mapapanood ang kanilang mga performance sa TikTok Live.
Bawat weekly showdown, ang winning finalist ay maaaring mag-uwi ng P300,000 cash prize!
Welcome na welcome rin na makisaya ang ibang TNT subscribers sa SAYAOKE. Para bumoto sa iyong paborito, mag-load lang ng mga piling TNT promo para makakuha ng voting credits. Gamitin ito pamboto sa bet mong singer habang todo-bigay sila sa live show.
Maaari rin silang manalo ng sangkatutak na papremyo ng TNT tulad ng cash, 5G smartphones, motorsiklo, e-bikes, at marami pang iba.
Lahat ng ‘yan, posible dahil sa lupit ng TNT 5G na nakakabit sa mga SAYAOKE Birit Booths. Malakas ang signal kaya hindi bitin o walang lag habang nagpapasikat ng talento online. Lalo pang pinalawak ang TNT 5G sa iba’t ibang panig ng Pilipinas tulad ng Iloilo City, Bacolod City, Davao City, at Zamboanga City—at marami pang susunod!
Ang TNT 5G ay pinalakas ng Smart, na ginawaran kamakailan ng Ookla® ng Best Mobile Video Experience award sa Pilipinas para sa first half ng 2026, matapos makakuha ng pinakamataas na Video Score na 72.82.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga KaTropa? Suportahan ang mga idol niyo o mag-audition na sa https://sayaoke.tntph.com! Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang TNT sa Facebook, X, at TikTok.
