Zanjoe lumalim pa ang pag-arte nang magka-anak

Zanjoe Marudo Apol Of My Ai

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGI bilang Best Supporting Actor si Zanjoe Marudo sa katatapos na Puregold CinePanalo Awards Night 2026 para sa mahusay nitong pagganap sa Apol Of My Ai.

Nakalaban ni Zanjoe sa kategoryang ito sina Paolo O’Hara— Mono No Aware at Roger Naldo—Stuck on You.

Well deserved si Zanjoe  na manalong Best Supporting Actor dahil napakahusay nito bilang Poli na nag-OFW sa Japan bilang musikero na tatay ni Apol na ginagampanan ni Zion Cruz.

Kami mismo ay nagulat sa laki ng  iginaling ni Zanjoe nang mapanood namin sa Apol of My Ai. Lumalim pa ang acting niya nang maging tatay na siya.