I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI naging ligtas sa bashing si Mr. Pure Energy Gary Valenciano nang interbyuhin niya sa kanyang Unshaken Podcast si President Bongbong Marcos.
Natural, alam na natin kung sino ang mga troll na ito na tumitira kay Gary!
Eh magdusa sila dahil nganga sila sa reaction ni Gary! Hindi naman porke may interview siya kay PBBM eh, halata na ang political stance niya, huh!
Sa pagkakaalam namin, foreign citizen si Gary kaya hindi siya nakikialam sa politika natin, huh!
