MATABIL
ni John Fontanilla
WAGI bilang Best Supporting Actor si Zanjoe Marudo sa katatapos na Puregold CinePanalo Awards Night 2026 para sa mahusay nitong pagganap sa Apol Of My Ai.
Nakalaban ni Zanjoe sa kategoryang ito sina Paolo O’Hara— Mono No Aware at Roger Naldo—Stuck on You.
Well deserved si Zanjoe na manalong Best Supporting Actor dahil napakahusay nito bilang Poli na nag-OFW sa Japan bilang musikero na tatay ni Apol na ginagampanan ni Zion Cruz.
Kami mismo ay nagulat sa laki ng iginaling ni Zanjoe nang mapanood namin sa Apol of My Ai. Lumalim pa ang acting niya nang maging tatay na siya.
