Master Cutter ni Dingdong may season 2, ibang character  papasok 

Dingdong Dantes Master Cutter

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGLABAS  ang GMA Network sa social media pages nila ng tila poster ng isang series. Gunting na may mga sinulid ang makikita sa poster.

Kaya hula netizens, para ito sa season 2 ng series ni DingDong Dantes na Master Cutter. Anak ng sinulid o anak ng gunting ang subtitle ng series.

Ang hula ng netizens, hanggang next year pa ang series. Kaya nga raw nag-leave si Dong sa Family Feud upang matutukan ang bagong season nito.

Nagtatanong naman ang netizens kung may anak ba talaga ang mga sinulid at gunting? Ang ibig bang sabihin eh may ibang characters na papasok sa Season 2 ng Master Cutter?