ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
SINA Shira Tweg at Khai Flores ay dalawa sa tampok sa pelikulang “Mantsa” na pinamahalaan ng award-winning direktor na si Louie Ignacio.
Bukod kina Shira at Khai, lead stars din sa pelikula sina Ms. Pilar Pilapil at Gelli de Belen.
Aminado si Shira na kakaibang excitement ang naramdaman niya sa nabanggit na pelikula dahil kasama niya rito ang mga beteranong artista.
Dahil dito, sinabi ng dalaga na kinabahan siya nang unang nalaman ang gagampanang role sa Mantsa.
Pahayag ni Shira, “When I first had a scene with them (Gelli and Ms. Pilar), of course at first ay intimidated talaga ako, I was really nervous, I didn’t know what to do, what to expect.
“I was really proud of myself, na nagawa ko iyon. I went through all of that, it was a success.”
Aniya pa, “When I first read about my role, parang kinabahan po ako. Kasi, it’s a challenging role and it’s something na hindi ko in-expect na gagawin ko. Kasi, I was doubting myself… na, kaya ko ba, magagawa ko ba?
“But thankfully, sa lahat ng co-stars ko at kay Direk Louie po, they really helped me. Of course yung mga co-actor mo, they gonna help you, hindi naman puwedeng kanya-kanya.
“So, they really helped me throughout the whole scene. Especially kay Tita Gelli at Tita Pilar, hindi po nila ako pinabayaan sa set. They really gave me advises, they really made me feel na I’m home na parang comfortable lahat, that everything is okay.”
Sa panig naman ni Khai, ipinahayag din ng aktor na bilib siya sa kanyang co-stars dito at kay direk Louie Ignacio.
Kuwento niya, “Sa mga co-stars ko po, very good po, kasi naipakita namin yung gustong ipakita ni Direk Louie. At excited na akong makita ang resulta ng movie na ito.
“About naman po kay Direk Louie, napakahusay… napakagaling niyang mag-direk, perfect talaga. If may kulang, hindi niya itutuloy iyong shoot at nag-help din siya sa mga scenes ko na challenging kaya nagpapasalamat po ako ulit kay Direk Louie,” sambit pa niya.
Si Shira ay 19 years old at ginampanan niya rito ang papel na Regina. “Kakaiba iyong role ko po, it’s something I’ve never experienced before. It’s something really challenging for me po talaga.” anang magandang aktres.
Nabanggit naman ni Khai na kakaiba ang pelikula nilang Mantsa.
Wika niya, “Ang Mantsa po is tungkol po siya sa family, friends at mental health issue. Ito po ay isang thriller movie, kakaiba po ito actually, lalo na po sa mga ipinapalabas na movies ngayon. Kasi po maraming plot twist, kaya dapat abangan po ito sa cinema.”
Ano ang role niya sa pelikula?
Pakli ni Khai, “Ako po rito si Rafael, ang apo po ni Ms. Pilar Pilapil. Ako po ay may mental health issue rito.”
Kasama rin sa Mantsa sina Janice de Belen, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.
Hatid ng Dragon Talent Management ng mga producer na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola, co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.
Ang pelikulang Mantsa ay mapapanood na sa mga sinehan ngayong October 7, nationwide.
