Monday , December 23 2024

Ano na ang nangyari sa peace and order? Tuloy-tuloy ang patayan sa Pasay City (ATTN: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

00 Bulabugin JSY

SABI nga ni Pasay City mayor Antonino Calixto, ang kanilang siyudad ang larawan ng Philippines my Philippines.

Kumbaga, paglabas ng mga turista sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang lungsod ng Pasay ang kanilang matutunghayan, kaya nga nandiyan ngayon ang tinaguriang biggest mall in Asia ang SM MOA, nariyan ang Resorts World Manila, ang Marriott Hotel, ang Maxim Hotel at iba pang establisymento na pinupuntahan ng mga turista.

Kung tutuusin, malaki ang kinikitang buwis ng Pasay City sa mga establisyementong ‘yan.

Pero ano itong nangyayari ngayon sa Pasay City?

Sa loob lamang ng wala pang 24 oras ay TATLO agad ang pinatay na kinabibilangan pa ng isang PULIS?!

Kunsabagay, bago pa man italaga d’yan sa P/Supt. Mitchel Filart ‘e ang dami nang unsolved cases ng iba’t ibang uri ng patayan at holdapan.

Inasahan nga ng mga residente na kaya pinalitan si Supt. Rodolfo Llorca ni Kernel Filart ay upang maresolba ang katakot-takot na patayan at ilegal na droga d’yan sa Pasay City.

Pero mukhang, sumasakit ang ulo ngayon ni Kernel Filart dahil mas madalas na may nangyayaring krimen kaysa nareresolba ang mga dating krimen na iniwan ng dating chief of police.

O baka naman may pangangailangan na ipadala muna sa pagsasanay at karagdagang kaalaman ang mga opisyal ng pulisya sa Pasay para ma-tutunan nilang resolbahin ang kabi-kabilang krimen na nangyayari d’yan araw-araw?!

O talagang pinipili ng mga ‘kriminal’ na d’yan gumawa ng krimen sa Pasay City dahil alam nilang hindi mareresolba ng mga awtoridad at malaya silang nakapupuslit anytime, anywhere.

Tsk tsk tsk …

Ano kayang hinihintay ng pulisya sa Pasay City? Mayroong itumbang mataas na opisyal d’yan sa area of responsibility (AOR) nila?! O isang malaking negosyante? O isang politiko? O isang Kamaganak Inc.? O isang bagman o kontratista ng city hall? O isang foreigner bago sila kumilos para tiyakin ang seguridad ng Pasay City?!

Wala bang aksyon na gagawin si Konsehal Richard Advincula na committee chairman ng peace & order!?

Mayor Antonino Casino ‘este mali’ Calixto Sir, marami nang ninerbiyos na residente  d’yan sa lungsod na pinamamahalaan mo.

Hindi kasi nila alam kung makauuwi pa sila nang buhay paglabas ng bahay nila.

Ako, bilang isang private citizen at mamamahayag, ay nangangamba rin sa aking kaligtasan d’yan sa Pasay City lalo na kapag mayroon hearing sa asuntong libel na isinampa mo laban sa amin.

Gaano ako kasigurado na ligtas  ako sa pagpunta at paglabas d’yan sa lungsod ng Pasay?!

Paging NCRPO chief, GEN. GARBO Sir, wala ba talagang maisip na paraan ang pulisya d’yan sa Pasay City para matuldukan na ang kabi-kabilang patayan d’yan?!

Uulitin ko lang po, ang Pasay City ang unang lungsod na nakikita ng mga dayuhan kapag nagpupunta sa ating bansa …

‘Yun lang po.

NASAAN NA ANG MANILA BAY SUNSET VIEW SA ROXAS BLVD!?

AYON sa isang kaibigan natin, dati raw, aliw na aliw siyang magdaan sa Roxas Blvd., dahil natatanaw niya ang Manila Bay sunset view.

Pero nitong mga nagdaang araw, nagulat siya nang nakita niyang napuno na rin ng TENT ang ROXAS BOULEVARD (baywalk) dahil ginawang TIANGGEHAN ng mga ‘BATA’ ni ERAP.

Mula sa Divisoria, hanggang sa Bonifacio Shrine at ngayon hanggang sa Roxas Blvd., ay pinuno na ng ‘TENT’ na ginawang tindahan, inuman, kainan at kung ano-ano pang negosyo na ang mga pasimuno ay nagpapakilalang mga bright boys ni Erap.

Aba e baka maging tent city na ang Maynila n’yan!?

Hindi ba’t ang dami na ngang nagrereklamo sa ‘kabastusang’ ginawa ng TIANGGE GROUP na ‘yan sa BONIFACIO SHRINE?!

Ngayon naman ay ‘yung ROXAS BLVD., ang binababoy.

Nagtayo ng mga instant ‘comfort room’ na alam naman nating walang septic tank kaya t’yak na mamamantot at mamamanghi ang Roxas Blvd.

Binastos na si BONIFACIO, binastos pa si Roxas.

Nilinis na ni Mayor Fred Lim ‘yang Roxas Blvd. noon, ‘di ba, ngayon naisipan na namang ibalik ng mga walang maisip kundi pagkakaperahan.

Mukhang ‘yan lang ang nasa isip ng mga bata ni Erap, kung paano magkakapera habang nakaupo ang PATRON nila.

Kung ganyan nang ganyan kayo, anong ‘LEGACY’ ang iiwanan ng amo ninyo?

Tsk tsk tsk …

BULABUGIN IPINAKE-CASING NG ISANG MASAMA ‘este’ MASA OFFICIAL?

ISANG nagmamalasakit na INFO ang natanggap ng inyong lingkod.

Ipinake-CASING na raw tayo ng isang opisyal d’yan sa Manila City Hall na mayroong MASA-mang intensiyon sa inyong lingkod.

Isang grupo raw ng mga ‘BISAYANG WARAY’ ang itinalaga ng MASA-MANG opisyal na ‘yan para i-CASING tayo.

Isang alias DODONG BISAYA raw ang naatasan na magmatyag dito sa National Press Club para i-monitor ang galaw ko.

Sonabagan!!!

Mukhang MAJOR PROBLEM ang trato sa atin ng MASA-MANG opisyal na ‘yan kaya ipinake-casing pa tayo.

Hindi ka ba napagkakatulog Mister MASA-MANG OPISYAL?!

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *