Yasmien pag-aaral ng law nagsilbing healing ground sa dagok ng buhay

Yasmien Kurdi

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-POSTsi Yasmien Kurdi sa kanyang Facebook account ng mga litrato ng mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang personal and family life nitong mga nagdaang taon.  

Isa sa mga picture na ibinahagi ng aktres ay ang pagkakaroon niya ng sakit sa balat dahil umano sa labis na stress at pangamba nang mabiktima ng school bullying ang panganay na anak na si Ayesha.

Makikita sa litrato ang kanyang braso na tadtad ng rashes.

Ayon kay Yas, malaki ang naitulong sa kanya ng pagpasok sa law school para gumaling at makalimutan ang trauma nilang mag-ina.

“Bakit daw sa akin naging healing ground ang law school?

“After everything my family and I went through, I needed something to distract my mind from the pain and trauma. Hindi na-address ang bullying kahit ilang beses na kaming nagreklamo,” simulang pagbabahagi ni Yasmien.

Patuloy niya, “Na-ospital ang anak ko for two weeks dahil sa anxiety at nag-therapy for six months after the December 2024 incident para lang bumalik sigla niya. 

“Tapos nag-stop pa siya ng class, kailangan ulitin ang buong year in just 2-3 months,” kuwento pa ng aktres.

Naospital din daw siya habang lumalaban para makamit ang katarungan sa dinanas ng kanyang anak.

“Dahil sa sobrang stress at pag-aalala ko sa kanya, ako naman ang sumunod na na-ER dahil nagkaroon ako ng matinding urticaria.

“I was breastfeeding at the time, kaya kinailangan ko ring itapon ang mga breast milk ko.

“Ganoon ka-traumatic ‘yung pinagdaanan namin ng pamilya ko, and sabay pa noon ang postpartum period ko. Naalala ko every detail ng trauma na pinagdaanan ng anak at pamilya ko sa school na iyon.”

At last year nga ay nagdesisyon siyang mag-aral ng abogasya, “Kahit pagod sa dami ng readings, cases, recitations, at deadlines, I found myself enjoying being busy with something completely different. 

“Law school became my healing ground,” sey pa ni Yasmien sa hiwalay na post.

Patuloy pa niya, “Hindi ibig sabihin na walang stress sa law school. Pero ibang klaseng stress siya. 

“Kasi may choice ka naman kung mag-stay ka o hindi. It keeps my mind occupied, gives me purpose, and helps me focus on something positive instead of constantly reliving what happened.

“Kaya for me, law school became my healing ground.  #NeverForget #NoToBullying,” sey pa ni Yasmien.