RATED R
ni Rommel Gonzales
ISANG BL (Boys’ Love) movie ang Patay Gutom na pinagbibidahan ni Khalil Ramos na entry sa 3rd Puregold CinePanalo Film Festival this year.
“It’s been a while na gumawa ako ng BL pero first time kong animated. So kakaiba,” umpisang kuwento ni Khalil.
“Noong nakita ko ‘yung teaser for the first time, parang ‘Huyyy!’
“Iyon pala ang itsura ko kung animated ako.”
May mga adjustment para gumanap siya sa isang animated character.
“May mga kaunting physical adjustments lang.
“Parang kailangan, sobrang precise lagi niyong blocking.
“‘Yung buhok ko, sobrang tigas! Kasi bawal siyang humarang sa mukha ko. Tapos ‘yun, mostly movement, mas limited to my blocking.
“Kasi iba iyong ilaw ko, iba ‘yung ano ko dahil animated nga ako.”
Last year ay nagwaging Best Actor si Khalil sa 2nd Puregold CinePanalo Film Festival para sa Olsen’s Day ka-tie niya si JP Larroder ng Tigkiliwi.
This year, ang mga posibleng makakalaban niya para sa naturang kategorya ay sina John Arcilla (Beast), Joross Gamboa (Wantawsan), Juan Karlos Labajo (Mono No Aware), River Joseph (Stuck On You), Joao Constancia (Multwoh: Patay na Patay sa ‘Yo), ang katambal ni Khalil sa Patay Gutom na si Ian Pangilinan at sina Zion Cruz at Zanjoe Marudo (kapwa ng Apol of My Ai).
Ang Puregold CinePanalo 2026 ay gaganapin simula September 23 hanggang October 4 sa Trinoma, Gateway Cineplex 18, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at sa Market! Market!.
Ang festival director ay si Chris Cahilig.
Ang awards night ay sa September 30.
