BINUKSAN na ng Japan Professional Basketball League (B.LEAGUE) ang bagong online portal nitong B.LEAGUE MEDIA CHANNEL, na naglalayong pabilisin at padaliin ang pag-access ng mga mamamahayag sa mga impormasyon tungkol sa liga. Bukas na rin ang pagpaparehistro para sa mga overseas media.
Mula nang ilunsad ang B.LEAGUE noong 2016, malaki ang itinaas ng bilang ng mga media na sumusubaybay sa liga. Dahil dito, binuo ng B.LEAGUE ang MEDIA CHANNEL bilang sentrong portal para sa mas mabilis at organisadong pagkuha ng mga kinakailangang impormasyon.
Sa bagong portal, maaaring ma-access ng mga miyembro ng media ang mga press release ng B.LEAGUE at mga club, magsumite ng media accreditation requests, at mag-download ng mga opisyal na materyales gaya ng mga logo ng liga.
Ang mga media account ay ibibigay batay sa eligibility requirements na nakasaad sa Resona Group B.LEAGUE 2026-27 SEASON Media Guide. Hinihikayat ang mga aplikante na basahin at unawain muna ang Media Guide bago magsumite ng aplikasyon.
Tinatayang isang linggo ang proseso ng pagsusuri sa aplikasyon. Ipapaalam sa aplikante ang resulta kapag natapos na ang review, bagama’t maaaring mas tumagal ito para sa mga media organization o indibidwal na wala pang dating coverage sa B.LEAGUE o nangangailangan ng karagdagang beripikasyon.
B.LEAGUE MEDIA CHANNEL: Maaaring magparehistro ang mga overseas media sa portal at piliin ang “Apply for an account” upang magsumite ng aplikasyon. (HNT)
【B.LEAGUE MEDIA CHANNEL】 https://mediachannel.bleague.jp/?lang=en
Please click “Apply for an account” to submit your account application.
