Sa Doña Remedios Trinidad, Puganteng arsonista nalambat

DRT Doña Remedios Trinidad PPO Police PNP

ISANG lalaking may kasong arson ang nadakip ng mga awtoridad sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng umaga, 14 Setyembre.

Isinagawa ang manhunt operation ng tracker team ng Doña Remedios Trinidad MPS sa nasabing pugante na itinuturing na No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa municipal level.

Sa ulat mula kay P/Maj. Jayson Micay Viola, acting chief of police ng Doña Remedios Trinidad MPS, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Arson sa inisyu ng Malolos City RTC Branch 82 may petsang 17 Agosto 2026.

Nasakote ang suspek sa kaniyang pinagtataguan sa Barangay Camachin, sa nasabing bayan, dakong 8:20 ng umaga kamakalawa.

Binasahan ng kaniyang mga karapatang pantao batay sa Saligang Batas (Miranda Rights) at kasalukuyan nang nasa ilalim ng pangangalaga ng lokal na pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa issuing court.

Ayon kay P/Maj. Viola, patuloy ang pulisya sa walang humpay na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang panatilihing ligtas, tahimik, at maayos ang pamayanan. (MICKA BAUTISTA)