10 Tarlac MWPs arestado sa manhunt operations

Tarlac PPO Police PNP

SAMPUNG most wanted persons (MWPs) ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Tarlac sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa mula unang araw hanggang 12 Setyembre 2026

Sa ulat mula kay P/Col. Harry Lorenzo III, provincial director ng Tarlac PPO, ang mga inilatag na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons sa lalawigan.

Kabilang sa mga naaresto ang No. 1 wanted person, na naaresto ng Paniqui MPS may kasong tatlong bilang ng Qualified Theft, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 7 Mayo 2026 ng Paniqui RTC Branch 67 ay dinakip at nakatakdang basahan ng sentensiya sa mga kinakaharap na kaso.

Nadakip rin ang ikalawang MWP ng 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ng Capas MPS dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa bisa ng warrant na inisyu noong 3 Agosto 2026 ng Capas RTC Branch 109 na may piyansang P200,000.

Naaresto ng San Jose MPS ang ikatlong MWP na nahaharap sa kasong Homicide at inihain ang warrant of arrest na inisyu noong 27 Agosto 2026 ng Camiling RTC Branch 112, na may inirekomendang piyansang P120,000.

Nasakote ang ikaapat na MWP ng Concepcion MPs para sa kasong Statutory Rape, paglabag sa Article 266-A, No. 1(d), kaugnay sa Article 266-B ng Revised Penal Code, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 6 Hulyo 2026 ng Concepcion RTC Branch 113, walang inirekomendang piyansa.

Naaresto ang ikalimang MWP ng Tarlac CPS sa kasong Estafa through falsification of public document sa bisa ng warrant na inisyu noong 11 Agosto 2026 ng Quezon City RTC Branch 132, may itinakdang piyansang P60,000 at P24,000.

Inaresto ang ikaanim na MWP ng Paniqui MPS sa kasong Rape sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 25 Agosto 2026, walang piyansang inirekomenda.

Dinakip ang ikapitong MWP ng Tarlac CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 sa bisa ng warrant na inisyu noong 13 Agosto 2026 ng Concepcion RTC Branch 113, may inirekomendang piyansang P180,000.

Nadakip ang pangwalong MWP ng Tarlac CPS para sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 sa bisa ng warrant na inisyu noong 26 Hunyo 2024 ng Tarlac MTC Branch 2, may piyansang P10,000 para sa dalawang kaso.

Naaresto rin ang pangsiyam na MWP ng Tarlac CPS para sa limang bilang ng kasong Estafa kaugnay sa RA 10175 sa bisa ng warrant na inisyu noong 26 Agosto 2026 ng Tarlac RTC Branch 111 na may piyansang P48,000.

Kinompleto ng San Jose MPS ang pagkakaaresto sa sampung MWPs nang maaresto ang No. 10, na nahaharap sa kasong Homicide sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong 27 Agosto 2026 ng Camiling RTC Branch 112, may itinakdang piyansa na P120,000.

Ang magkakasunod na pagkakaaresto sa mga MWP ay resulta ng mas pinaigting na manhunt operations, intelligence gathering, police visibility, at koordinasyon ng iba pang police units sa lalawigan.

Pahayag ni P/Col. Lorenzo, ipinakita nito ang patuloy na pagtutulungan ng mga operating unit sa pagtukoy at pagsisilbi ng mga warrant of arrest laban sa mga indibiduwal na may kinakaharap na mga kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)