P1-M ‘obats’ nasabat tulak na rider tiklo sa Taguig buybust

Arrest Shabu

INARESTO ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider matapos mahulihan ng tinatayang P1-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation sa lungsod ng Taguig nitong Lunes, 14 Setyembre.

Kinilala ang suspek na si alyas Bag, 45 anyos, residente sa Barangay Maharlika Village, sa nabanggit na lungsod.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) at 11 (possession of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nadakip si alyas Bag sa Mindanao Ave., sa nabanggit na barangay, ng mga miyembro ng Southern Police District District Drug Enforcement Unit at Taguig Police Sub-station 7.

Nakompiska mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000; buybust money; at isang cellphone.

Pahayag ni P/BGen. Rodel Pastor, bagong direktor ng Southern Police District (SPD), ang kahalagahan ng patuloy na intelligence-driven na mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga.