LANAO DEL NORTE ang magiging sentro ng batang atleta sa Mindanao sa unang Mindanao Youth Games (MYG) na nakatakdang idaos sa Abril 11–17, 2027.
Inilahad ang mga panuntunan at detalye ng bagong palaro sa media presentation sa PSC Media Room ng Rizal Memorial Sports Complex, na dinaluhan nina Lanao del Norte Gov. Mohamad Khalid Dimaporo, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman John Patrick Gregorio, Lanao del Norte Rep. Sittie Aminah Dimaporo at PSC Commissioner Matthew “Fritz” Gaston.
Tampok sa kompetisyon ang 12 hanggang 15 disiplina sa palakasan para sa mga atletang 18-anyos pababa.
Layunin ng Mindanao Youth Games na bigyan ang mga batang atleta sa rehiyon ng malaking entablado upang makipagkumpetensya, madagdagan ang karanasan at higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan at talento sa sports. (HNT)
