Faye Tangonan, balik-acting sa pamamagitan ng advocacy film na “Titulada”

Faye Tangonan Titulada

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG beauty queen-turned actress na si Faye Tangonan ay magbabalik-pelikula sa pamamagitan ng advocacy film na “Titulada.” Ang naturang proyekto ay nagkaroon ng story conference last Sunday.

Sa hiwalay na panayam namin, nagkuwento si Ms. Faye ng ilang detalye sa kanilang forthcoming movie.

Our upcoming movie is an advocacy film called “Titulada,”  there’s about eight main characters dito.

“So basically, all of us are beauty queens in real life. The actresses are Yvonne Lexie Valencerina, Dr. Casey Magne Dumlao, Angela Villanueva, Scarlet Chua, Atty. Claire May Tamondong, Charina Carmen, Jenny Ortega and Dr. Faye Tangonan.” 

Aniya pa, “Mr. Kent Martin Dy from GMA 7 is our film director and our director is planning to show the movie at theaters too.”

Bukod sa pagiging aktres, si Ms. Faye ay isang humanitarian advocate, businesswoman, at multi-awarded international beauty queen.

Katatapos lang ng birthday ni Ms. Faye last September 10, so, parang birthday gift ba sa kanya ang movie na ito?

“Yes po, I’m so thrilled and excited! It’s like a gift for my birthday,” matipid na tugon niya.

Inusisa rin namin ang role niya rito and kung paano nag-start o na-develop ang project na ito?

“I actually played an OFW, a single mother and a battered wife. There’s gonna be a lot of drama sa movie na ito, hahaha!” 

Manibago kaya siya sa muling pagharap sa camera para umarte?

Esplika ni Ms. Faye, “Definitely, ‘coz it’s been years since I last shoot a movie. Our director is actually giving us a two day acting workshop. That’s gonna be a great preparation for us.” 

Kailan at ano ang kanyang last movie?

“That was three years ago, I think. It was a horror movie, it’s called “Tutop.” I actually won three International Best Supporting awards for that movie.” 

Nalaman din namin sa panayam na ito na si Ms. Faye bilang beauty queen, ay aktibo pa rin sa mga beauty pageant.

“Yeah, active pa rin ako sa beauty pageant, as a matter of fact, I am a national director for several international beauty pageants and I’ll be one of the judges of the Mrs. Tourism International which will be held this coming October 2, 2026,” nakangiting paliwanag pa niya.

Nang nakahuntahan naman namin ang tinaguriang Award Guru na si Richard Hinola, nalaman namin na sa kanya pala galing ang concept ng Titulada at siya ang executive producer ng pelikula.

Paano niya ide-describe ang kanilang movie at paano nabuo ang konsepto nito?

Paliwanag ni Richard, “For charity, na may matutunan at makakapag-educate ang pelikulang ito.”