Baus Rufo hindi tinapos ang show, Ashley Sarmiento at DJ Jhaiho iniwan sa ere 

Baus Rufo Ashley Sarmiento DJ Jhai ho

I-FLEX
ni Jun Nardo

GUMAWA na ng kanyang segment para sa entertainment show na Kalurks ang isa sa hosts na si Baus Rufo.

Kaya naman tanging sina Ashley Sarmiento at DJ Jhaiho ang nagtapos ng programa na magkasama.

Tinanong namin ang isang taong involved sa show kung bakit wala si Baus sa ending ng show. Sagot niya, may stage play daw kasi kaya hindi kasama sa show at may segment na ginawa.

Ay, first episode pa lang ‘yan, huh! Pinanghahawakan ba ni Baus ang pagiging umano ay paborito ng mga “Diyos” sa network kaya nagagawa niya ang gusto niyang gawin? 

Too much, too soon, huh!