SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAGBAHAGI ng kani-kanilang opinion tungkol sa love, heartbreak, at healing sina Kolette Madelo, Jude Hinumdum, Me-Ann Espinosa, Dingdong Bahan, at Nikki Valdez na cast ng The Art of Breaking Up.
Tatalakyain ng The Art of Breaking Up ang iba’t ibang emotions na kasama sa pagtatapos ng isang relasyon—mula sa pagharap ng painful memories hanggang sa acceptance at paghahanap ng lakas para magpatuloy.
Para kay Jarren Garcia, ang maging bahagi ng TAOBU ang nagturo sa kanya na aralin ang bawat kanta ng higit pa sa simpleng pag-perform nito.
Bilang isa sa mga vocalist na magbibigay ng emotional voice sa stage, binigyang-diin ni Jarren ang kahalagahan ng pagtanggap ng notes mula sa director at lubos na pag-unawa sa experiences ng bawat character.
“As a singer, what I’ve learned in this production on how to take notes from the director and fully understand the scene because here, we’re not just performing. We’re not just releasing our own emotions—we’re embodying the emotions of the actors on stage,” ani Jarren.
Natutunan naman ni Kolette Madelo ang importansya ng kanyang role bilang isa sa mga vocalist ng The Art of Breaking Up, natutunan niya na maging emotionally connected sa bawat kanta.
Wika ni Kolette, “Hindi ka lang basta-basta kumakanta, kailangan mo rin siya i-feel talaga para ma-express mo kung ano ang nilalaman ng mga kanta mo at ‘yung mga ina-acting ng mga actor para ma-feel nila.”
Ibinahagi naman ni Jude Hinumdum ang kanyang pananaw kung paanong harapin ang isang break-up. “Heal because you deserve to, and heal sa sarili mong timing. Allow yourself to allow the grief—hayaan mo siya maging bisita kasi pagkatapos niyang magawa ang business niya, aalis naman ‘yun,” sambit nito.
Naniniwala naman si Dingdong Bahan na ang pagbibigay sa sarili ng space para maproseso ang break-up.
“I think the simplest way to deal with a breakup is to sit with it talaga. You don’t need someone to distract you, even yourself. Have yourself a ‘me time’ and treat yourself to a good sweet after.”
Para naman kay Meann Espinosa, hindi kailangang madaliin ang proseso ng pag-let go. “Siguro, you don’t have to rush it. Mas madali sa akin mag-let go if I treat that relationship not with anger, but as something I learned from.”
Binigyang-diin din ni Meann ang importance ng pagtanggap na hindi lahat ng bagay ay dapat ibigay o suklian sa isang relationship. “Nobody owes you anything. Mahalin mo na lang ang sarili mo muna,” dagdag pa niya.
“Na-learn ko na ‘yung art of breaking up kasi pwede naman eh, naghe-heal naman ang tao,” sambit naman ni Nikki.
Sinabi pa ng aktres na marami siyang natutunan at natanggap lahat ang kanyang past.
Sa pamamagitan ng stories, music, at performances ng The Art of Breaking Up, hangad ng cast na bagama’t maaaring maging painful ang heartbreak, maaari rin itong maging journey tungo sa self-discovery, acceptance, at healing.
Kabilang din sa cast sina Yen Santos, Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison. Kasama rin sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, Ruby Ruiz, Jake Cuenca, at Janella Salvador, sa ilalim ng direksiyon ni Dudz Teraña.
‘Wag palampasin ang kantahan, kwento, at emosyon na hatid ng The Art of Breaking Up mula November 6 hanggang December 6 sa PETA Theater Center. Available ang tickets sa TicketWorld.
