MA at PA
ni Rommel Placente
KUNG marami ang kinilig nang mapanood si Bea Borres sa isang video kasama ang ex-boyfriend niyang si Meray Yamada,hindi ang kanyang beshie na si Andrea Brillates.
Hindi nito nagustuhan ang collaboration ng dalawa.
Kalat na sa social media ang screenshot ng comment ni Andrea sa TikTok na nagsasabing hindi siya kinikilig sa muling pagsasama nina Bea at Meray.
Mababasa sa verified TikTok account ni Andrea ang pambabasag niya sa vlog ng kaibigan, “Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi.
“Ma un interested na nga lahat ng gantong content sa fyp ko.”
Si Meray ang tatay ng anak ni Bea na si Hopea at muli ngang nagkasama ang ex-couple sa isang collaboration video na kinakiligan ng maraming netizens.
Inamin naman ni Bea na ginawa nila ang vlog para pagkakitaan at pumaldo dahil hindi nga raw nagbibigay ng pera ang tatay ng kanyang anak.
Malakas at mataas daw kasi ang engagement kapag kasama niya ang dating partner sa kanyang mga vlog.
Pumayag naman si Meray sa offer ni Bea at lahat ng kikitain ng vlog ay mapupunta sa kanilang baby na ipinakita rin sa bandang ending ng video.
“You know why I’m doing this? Coz you don’t wanna give me money, so, eh malakas yung engagement kapag kasama ka eh, so gagatasan na lang kita,” sey ni Bea.
Makikita rin sa video na sinusubuan pa ni Bea ng cake si Meray para makaganti rin dahil on a diet daw ito.
“At saka para mag-away kayo ng babae mo!”ang sabi pa nito sa dating minamahal.
Pero agad namang nilinaw ni Bea na hindi sila nagkabalikan ni Meray at wala pa rin silang co-parenting agreement nito.
