I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPASAMPOL ng kanta at sayaw si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa mediacon ng 10-night concert sa Music Museum na magsisimula sa October 1.
Walang ipinagbago kay Gary to think na 62 years old na siya last August, huh!
Bale isinabay sa GV Back at the Museum ang 40th anniversary ng Manila Genesis Management na pinamamahalaan ang asawa niyang si Angeli Pangilinan Valenciano.
Sa kanyang opening greetings sa mediacon, naalala niya ang sinabi sa kanya noon na hanggang 40-45 years old ang buhay ni Gary. Pero hindi natupad ‘yon dahil na-bypass na si Gary, may diabetes at iba pang sakit and yet, heto si GV na patuloy pa ring kumakanta, nagbibigay entertainment.
Ang isa pang kaabang-abang sa GV Back at the Museum ay ang guest niyang si Frankie Pangilinan. Mula naman ito sa direksiyon ng anak na si Paolo Valenciano.
Malaki ang bahagi ng Music Museum sa paglaki ng pangalan ni Gary kaya naman bulong niya sa akin noong magkita kami, “Maraming bago rito at masaya!”
Isang kakaibang experience ang mapapanood at mararanasan ang isang Gary V nang remarkably close!
Ang iba pang gabi ng Back at the Museum ay sa lahat ng Thursdays at Saturdays ng October – 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29, at 31.
