Sylvia masaya sa nominasyon nina Krystel at Earl sa Urian

Sylvia Sanchez Krystel Go Earl Amaba

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAPAKAGANDANG birthday gift para sa baguhang aktres na si Krystel Go ang nominasyon niya nilang Best Actess sa Gawad Urian 2026 para sa pelikulang I’mPerfect na pinagbidahan nila ni Earl Amaba na nominado naman bilang Best Actor.

Labis ang tuwa ng aktres at producer ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchezdahil dito.

Lahad ni Sylvia, “Siyempre masaya ako.

“Iyon ‘yung goal ko, na mapansin talaga ‘yung mga bata, ma-nominate, huwag na ako, huwag na kami, iyong mga bata na lang.”

Ang Nathan Studios ang producer ng ImPerfect na artista rin sina Janice de Belen, at Lorna Tolentino ang tinutukoy ni Sylvia na “kami.”

Si Sylvia mismo ang naghatid kay Krystel ng magandang balita.

Sabi ko sa kanya, ‘Krystel nominated ka for Urian!’ Sabi niya,  ‘Ha?! Ang ganda ng birthday ko!’ Sobrang happy niya,” bulalas pa ni Sylvia tungkol sa naging reaksiyon ni Krystel sa Urian nomination. birthday ni Krystel noong September 2.

Pagpapatuloy na kuwento ni Sylvia.

“Si Earl ‘yung nanay niya ang sinabihan ko.”

Labis amg tuwa ni Sylvia na parehong napansin ng Urian ang mga anak-anakan niya.

Oh yeah doon ako masaya! Ang saya ko.

“So… ang saya-saya ko, roon ako focused, na masaya ako para roon sa mga bata.

“Pati ang mga nanay nila, masaya! Kasi nagkakatulungan kami para sa mga bata kaya pare-pareho kaming mga nanay na masaya,” saad pa ni Sylvia.

Isa pang ikinatutuwa ni Sylvia para sa ImPerfect ay isa ito sa walong mga pelikulang pinagpipilian na ipapadala bilang entry ng Pilipinas sa prestigious na Academy Awards o Oscars.

Medyo na-delay nga lang ang announcement kung alin ang napili sa listahan na kinabibilangan din ng 58th ng GMA FilmsManila’s Finest ni Piolo Pascual; at Quezon ni Jericho Rosales, among others.

Bukod dito ay isasali naman ang documentary film ng ImPerfect ng direktor na si Ditsi Carolino.

Kaya ang ‘ImPerfect’ na docu, from abroad to Philippines, itong ‘ImPerfect’ na pelikula from the Philippines to abroad.

“Less than two hours ang docu at ang director ay si Ditsi Carolino.

“Ang puso ng pelikula ‘yung documentary.

“Ang puso kasi rito, story ha, ito makikita kung paano naghirap, kung paano ginawa, kung paano lumabas na ‘yung mga batang may Down Syndrome, nakagawa ng pelikula.

“So roon niyo sila hahangaan, mas lalong hahangaan,” pagbabahagi pa ni Sylvia.

This year sa abroad ipalalabas ang docu, next year dito sa Pilipinas ang docu, next year may series na rin ng mga bata.”

Si Sigrid Andrea Bernardo na direktor ng ImPerfect na pelikula ang direktor rin ng serye.

“‘Imperfect’ cast pero iba ito, hindi connected sa dati. 

“Ang ganda ng title, ayoko pang ilabas,” patikim na sinabi ni Sylvia tungkol sa kanilang upcoming 2027 series na either mainstream TV o online streaming.

Ipalalabas din sa Prague ang ImPerfect.

At sa patuloy na pag-ariba ng Nathan Studios, tatlong pelikula na co-prod sila ang in competition sa Busan International Film Festival ngayong Oktubre; ang Filipiñana, Nagi Notes, at Ria.

Co-producer si Sylvia thru Nathan Studios sa tatlong nabanggit na pelikula, hindi tulad sa ImPerfect na solong silang nagprodyus.