Thursday , June 4 2026

PHILRACOM naglaan ng P2-Milyon sa pakarera ng PCSO at PHILTOBO

Nagkaloob ng suportang tig P1-milyon ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa malaking pakarera ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) at Philippine Thoroughbred Owners and Breeders’ Organization (Philtobo) na gaganapin sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay Philracom Director Jesus Cantos, Executive Racing Director, nagkaloob sila ng P1-milyon para sa 41st PCSO Presidential Gold Cup na gaganapin  sa Disyembre 1 sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Sa nasabing pakarera ng PCSO ay maghaharap ang mga magagaling na mananakbong lokal sa pangunguna ng itinuturing na super horse na Hagdang Bato, ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Pugad Lawin, Sulong Pinoy, Divine Eagle, Royal Jewels, My Champ Spring Collection, Bos Jaden at Arriba Amor.

Tumataginting na P5 milyon ang inilaang papremyo ng PCSO, P1- milyon nito ay mula sa Philracom.

Naglaan naman ng P1 milyon ang Philracom  para sa Juvenile Championship sa ilulunsad na Philtobo Grand Championship races sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Disyembre 15.

Bukod sa Juvenile championship ay  may apat pang pakarera ang nakalaan sa  Philtobo Juvenile Fillies Championship race, Classic Stakes race,3 Year Old Fillies Stakes race at 3 year Colts Stakes race.

Mahigit sa P6- milyon ang nakalaang papremyo para sa malaking pakarera ng Philtobo.

Umaabot sa P3-milyon ang premyong inilaan ng  Philtobo para sa Juvenile Champioship na tatawid sa distansiyang 1,600 meters na siyang sinuportahan ng Philracom.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …