Sunday , April 28 2024

18 sugatan sa fireworks display sa Dagupan

ISINUGOD sa pagamutan ang 18 katao kabilang ang dalawang bata, nang masugatan at masaktan nang sa kanila sumabog ang mga paputok na bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng Christ the King sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.

Ayon sa ulat, nagtipon-tipon ang mga tao sa St. John Cathedral sa Dagupan para manood ng fireworks display na bahagi ng selebrasyon sa kapistahan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, imbes na lumipad pataas ang mga paputok, lumipad ang mga ito patungo sa mga tao at sunod-sunod na sumabog.

Nasugatan dahil sa pagsabog ang ilan sa mga nanonood habang ang iba ay nasaktan dahil sa pagtutulakan.

Ayon sa nagsindi ng mga paputok na si Rodolfo Mendoza, natumba ang pinaglalagyan ng mga paputok kaya lumipad patungo sa mga tao.  Sinikap niyang agapan na maitayo ang pinaglalagyan ng mga paputok ngunit huli na.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *