ISINUGOD sa pagamutan ang isang miyembro ng Manila police matapos bumagsak habang naka-duty.
Kinilala ang police na si PO3 Rodolfo Tejada Pallares, 52, ng Office of the District for Operation (ODDO), na nasa intensive care unit (ICU) ng Medical Center Manila.
Sa ulat, 24-oras naka-duty si PO3 Pallares dakong 9:30 ng uma-ga nitong Sabado, nang makaramdan ng pagkahilo hanggang magsuka at bumagsak.
Ang insidente ay na-kita ng reliever ni PO3 Pallares na si SPO4 Ma-nuel B. Madlangbayan na nagsugod sa biktima sa nasabing ospital kasama ang operatiba ng MPD scene of the crime operatives (SOCO).
(leonard basilio)