Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, pasabog ang pagpapakita ng maputi at makinis na puwet

MATINDI ang pasabog ni Cristine Reyes sa pelikula niyang When The Love Is Gone dahil 10 dyug ang ginawa niya. Siyam kay Gabby at isa kay Jake Cuenca.

“Suwerte nila,” reaksIyon na lang ni Cristine na tumatawa.

Nahirapan siya sa first love scene nila ni Gabby dahil intense at medyo rough. Nagsimula raw ‘yun sa labas ng cabana nina Cristine at Gabby. Magkapitbahay man, hindi naman sila magkakilala noong una, nagkatinginan lang, nagkakilala, at naganap na dahil pareho silang naghahanap sa pagkukulang ng kanilang mga asawa.

Kahit si Direk Andoy Ranay ay pinawisan sa love scene na ‘yun nina Gabby at Cristine.

Hindi minadali ang pelikulang ito dahil almost nine months din bago ito natapos. Nagkaroon din daw ng problema sa continuity dahil ‘yung unang location nila ay naibenta ng may-ari. Ang ending inulit ang mga eksenang nakunan kaya almost 10 percent daw ang itinapon.

How true na pasabog din si Gabby sa pelikula na may nude scene siya sa kanyang torture scene. Nag-plaster lang daw si Gabby. Ang kinis daw ng puwet ni Gabby.

Nagpasilip pala ang guwapong actor sa movie. Kasama rin sa pelikula sina Alice Dixson at Andi Eigenmann.

Ka Freddie, nagpa-convert para maikasal?

NAGULANTANG kami sa text na natanggap namin noong Thursday night na ikakasal kinabukasan (Friday) sina Freddie Aguilar at ang kontrobersiyal niyang girlfriend na si Jovi Gatdula na 16 year-old.

Nakalagay pa sa text si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang  magso-solemnize.

Nag-text kami kay Ka Freddie pero hindi sumagot.

Pero sa Philippine Entertainment Portal ay nabasa namin na kinompirma ni Gov. Toto ang kasalan.

Pumayag umano siya na gawin ang seremonya sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines. Kasunod nito ay nagpa-convert na si Ka Freddie ng religion na Islam.

Nakasaad sa batas na ito: ”Any Muslim male at least 15 years of age and any Muslim female of the age of puberty or upwards and not suffering from any impediment under the provisions of this Code may contract marriage. A female is presumed to have attained puberty upon reaching the age of fifteen.”

‘Yun na!

Aga, swak sa Let’s Ask Pilipinas bilang host

HINDI isyu kay Aga Muhlach kung unang inalok ang Let’s Ask Pilipinas ng TV5 kayRyan Agoncillo. Ang importante ay masaya siya sa show.

Actually, inadya talaga kay Aga ang naturang game show dahil bagay sa kanya ang show. Noong mag-set visit kami sa taping nito, naobserbahan namin na swak kay Aga ang format ng Let’s Ask Pilipinas.

Aliw kami sa kanya at naalala namin ang Bagets days habang sumasayaw siya.

Feeling nga namin okey na rin napunta ito kay Aga dahil kung kay Ryan ‘yun ay parang seryoso ang dating.

Ang gaan-gaan kasi ng dating kay Aga ng show. Nandoon din ‘yung ‘landian,’ ligawan’ kuno lalo na ‘pag magaganda ang contestant. Tapos tutugtugan siya ng may temang ‘takot sa asawa’ ‘pag nag-behave na siya at binabanggit ang ng misis niyang siCharlene Gonzales.

Sa true, walang antok factor ang Let’s Ask Pilipinas at bitin  ang 30 minutes. Sana dagdagan ito ng oras.

Tsuk!

Angelica, handang-handa nang magpakasal kay Lloydie

NANGANGAMOY kasal sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

Isang mabilis na oo ang isasagot ni Angelica kung sakaling  mag-propose ng kasal si Lloydie sa kanya.

Twenty-seven na ngayon si Angel pero gusto niya talaga magka-baby ‘pag umabot na siya ng 30.

Basta wait na lang daw ang Banana Split:Extra Scoop star kung kailan siya aalukin ng kasal ng boyfriend.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …