Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30K Jueteng payola sa mga kolumnista

Gaano kaya katotoo ang kumakalat na mga impormasyon at sa hanay ng mga media men na ang jueteng e namamayagpag pala na may mga kolumnista sa iba’t ibang mga national newspaper ang nabibigyan ng P30,000.00 monthly pa-yola?

Sa impormasyong naulinigan ng TARGET ON AIR  ay isang “executive editor” mula sa isang national daily tabloid ang enkargado para sa pamamahagi ng payola sa mga piling kolumnista na nakabase sa Metro Manila para lamang huwag bulabugin ang jueteng operation.

Mantakin ba naman na panay ang deklara ng Philippine National Police na total war laban sa illegal gambling lalo na iyang jueteng… e namumunini na pala ang jueteng sa ibat ibang lugar ng Metro Manila … gamit ang kaniyang mga operator na sina Ka Mising at Karding Lespu ng Las Pinas City; Josie Borha, Boy Aruhado, Emily, Samboy at Lando naman sa Muntinlupa City.

Sa Paranaque City naman ay kinopo ito ni Jonjon katuwang ang kaniyang mga co-operator sa Sun Valley na si Boyet; si Edgar sa Baclaran at si Joy naman sa San Dionisio; kung saan, sa Pateros ay si Kagawad Papay Pusa, si Jovit, si Bob at si Vergel… na ang teritoryo naman ng Taguig City ay pinamamahalaan naman nina Lespu Araguta, Ayungin at Philipe.

Kaya wala raw umuupak sa operasyon sa jueteng operation e dahil nariyan si Executive Editor na siyang namamahagi raw ng payola sa mga kolumnista… hek hek hek, hindi kaya mabukulan ako nito dahil may manghahataw na lang sa ulo ko sa pambubulabog na ito?

Pero sabi ng ilang impormante e HINDI naman daw nabibigyan ang mga kolumnista, kasi ang payola na para sa mga kolumnista e IBINUBULSA nitong Executive Editor at inirereport na lang niya sa mga jueteng lord na naibigay na sa mga kaibigan nilang mga kolumnista ang mga payola…, pagkatapos nun.., ayun si Executive Editor makikita na  sa sabungan na pumupusta kasama ang mga jueteng lord… kaso, ang masaklap e napakadalas daw na matalo ngayon sa sabong itong si executive editor at daang libong piso ang ipinapatalo…, iyon sigurong payola na para sa mga  kolumnista na nabukulan ang ipinapantaya sa sabong ni executive editor!

Matanong nga natin si PNP-SPD Director Chief Supt. Erwin Villacorte kung namomonitor nga ba niya ang kolektor ng NCRPO RISO na si alyas “Baby” na laging masaya na raw ito dahil maraming kadatungan ang nakokolekta na sa jueteng operation ni diyan sa South Metro, kamusta na Kuyang Bernardino …… hek hek hek,  ABANGAN !!!!

Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm, mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …