Tuesday , June 30 2026
Fire

Sa Nueva Ecija
Palengke nasunog P17-M pinsala naitala

UMABOT sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga bombero ang sunog na tumupok sa malaking bahagi ng lumang palengke ng Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Linggo ng madaling araw, 28 Hunyo.

Sa ulat mula kay Fire Sr. Insp. Arnulfo Pol, Acting City Fire Marshal, dakong 2:00 ng madaling araw kamakalawa nang magsimula ang sunog sa nasabing palengke na nasa Brgy. Poblacion West, sa nabanggit na bayan.

Agad nagresponde ang mga bombero para apulahin ang naglalaglab na apoy na tumupok sa maraming puwesto na nag-iwan ng malaking pinsala at pagkalugi sa kabuhayan ng mga negosyante.

Dakong 6:40 ng umaga nang maapula ng BFP-Muñoz ang apoy sa tulong ng 10 fire stations mula sa mga kalapit-bayan at lungsod katuwang ang iba pang fire volunteer brigade.

Walang naitalang nasagutan o nasawi, habang patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan at sanhi ng sunog.

Nagpunta sa lugar si City Mayor Baby Armi Alvarez, kasama ang mga kawani ng city engineering office, barangay officials, lokal na pulisya at iba pang stakeholders para personal na masuri ang lawak ng pinsala at alamin ang kalagayan ng mga naapektohan.

Ayon kay Mayor Alvarez, patuloy ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya para sa mga agarang tugon sa insidente at ang pagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga apektadong manininda sa nasunog na palengke ng Science City of Muñoz, Nueva Ecija. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM City Marilao at SM City Baliwag pinagbuti ang mga mapagkukunan sa pagkatuto para sa 545 na mag-aaral na Bulakenyo

Para sa mas makabuluhang pagkatuto
SM City Marilao at SM City Baliwag nagkaloob ng PC units, atbp materyales para sa 545 mag-aaral na Bulakenyo

MULING pinagtibay ng SM City Marilao at SM City Baliwag ang kanilang pangako sa edukasyon …

PAPI RESCOM Philippine Army gun safety training

PAPI at RESCOM Philippine Army, nagsanib-puwersa sa gun safety training para sa mga mamamahayag

TANZA, CAVITE — Sa propesyong ang pangunahing sandata ay panulat, kamera, at katotohanan, muling pinaalala …

Nartatez PNP

Sinubok ng Trahedya: Ang Sukatan ng Pamumuno ni Chief Nartatez

TATLONG estudyante ang nasawi. Ilan pa ang nananatiling nasa ospital. Ang isang paaralan sa Tacloban, …

DOST SOCCSKSARGEN Cotabato PSTO PNP CPPO

CPPO Explores Opportunities in Science and Technology Initiatives with DOST Cotabato

The Department of Science and Technology (DOST) SOCCSKSARGEN – Cotabato Provincial Science and Technology Office …

DOST Lanao del Norte PORTASOL Matungao Cacao Farmers

PORTASOL Technology Ensures Cleaner, Faster Drying for Matungao Cacao Farmers

Traditional open-sun drying leaves hardworking farmers at the mercy of unpredictable weather, leading to high …