Thursday , June 25 2026
Philippine Sports Hall of Fame
ANG mga natatanging atletang pinarangalan (mula sa kaliwa) Olympic silver medalist (boxing) Mansueto “Onyok” Velasco, , Paralympic medalist Adeline Dumapong, (nasa likuran) kinatawan ng yumaong football at basketball star Eduardo “Eddie” Pacheco, track and field star Isidro del Prado,multi-sport athlete Bea Lucero-Lhuillier, tennis standout Cecil Mamiit, at basketball legend Ramon Fernandez. (HENRY TALAN VARGAS)

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging atleta na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa bansa sa ginanap na programa sa bagong ayos na PSC House sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Kabilang sa mga pinarangalan sina Ramon Fernandez, Mansueto “Onyok” Velasco, Isidro del Prado, Adeline Dumapong, Cecil Mamiit, Bea Lucero-Lhuillier, at ang yumaong Eduardo “Eddie” Pacheco.

Kinilala ang kanilang mahahalagang ambag sa iba’t ibang larangan ng sports, mula sa basketball, boxing, athletics, para sports, tennis, hanggang football.

Pinuri ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang mga enshrinee dahil sa kanilang naging papel sa paghubog ng kasaysayan ng Philippine sports.

“Binago ng inyong mga tagumpay ang pambansang pananaw at inspirasyon ng sambayanang Pilipino,” ani Gregorio, na siya ring Chairman ng Philippine Sports Hall of Fame.

Ayon kay Gregorio, ang pagbubukas ng PSC House ay sumisimbolo rin sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng sports sa bansa.

“Sa gitna ng lahat ng hamon sa bansa at sa buong mundo, ang diwa ng pagbabago ang nagbibigay sa atin ng pag-asa. Parangalan natin ang kanilang pamana hindi lamang sa pag-alala kundi sa pagsasabuhay nito,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga pinarangalan para sa kanilang sakripisyo, dedikasyon at pagmamahal sa bayan.

“Salamat sa inyong puso at alab. Tulad ng bandilang buong dangal ninyong kinatawan, kayo ang maningning na mga bituin at araw ng Pilipinas na kailanman ay hindi magdidilim,” dagdag ni Gregorio.

Binigyang-diin din ng PSC chief ang patuloy na programa ng ahensiya sa pagtatatag ng mga Regional Training Center sa iba’t ibang rehiyon upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga batang atleta sa labas ng Metro Manila.

Nakiisa rin sa makasaysayang pagtitipon ang mga opisyal ng National Sports Associations, kabilang sina Philippine Athletics Track and Field Association President Terry Capistrano, Philippine Football Federation President John Gutierrez, Samahang Basketbol ng Pilipinas President Ricky Vargas, Association of Boxing Alliances in the Philippines President Marcus Manalo, at Philippine Tennis Association Secretary General John Rey Tiangco.

Dumalo rin ang mga miyembro ng Selection Committee at Review and Evaluation Committee na binubuo ng mga lider sa sports at beteranong sports journalists.

Nagtapos ang seremonya sa isang standing ovation para sa pitong bagong miyembro ng Philippine Sports Hall of Fame, na kinilalang mga huwaran ng husay, sakripisyo at tagumpay ng atletang Pilipino.

Muling magbubukas ang Philippine Sports Hall of Fame sa Mayo 2028 para parangalan ang susunod na batch ng mga natatanging bayani ng Philippine sports. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

POC Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

NAGING tampok ang mahigit 500 kabataan mula sa tatlong paaralan sa Tagaytay City sa pagdiriwang …