Thursday , June 25 2026
Sydney Sy Asia-Oceania Sambo Championships
SIGURADO na ang pagsabak ni reigning Asia-Oceania women’s heavyweight sport sambo champion Sydney Sy sa harap ng home crowd sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships sa Ninoy Aquino Stadium. (PSC photo)

World no. 1 Sydney Sy siguradong sasabak sa Asia-Oceania Sambo Championships

SIGURADO nang lalahok ang top local bet na si Sydney Sy sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships na inihahandog ng Philippine Sports Commission at magsisimula sa Biyernes sa Ninoy Aquino Stadium, matapos bumuti ang kalagayan ng kanyang ama na si Paolo Tancontian.

“Salamat sa Diyos, malaki na ang ibinuti ng kalusugan ng aking ama at inaasikaso na niya ang mga detalye ng torneo kaya makakapokus na ako sa aking laban,” ani Sy tungkol sa presidente ng Pilipinas Sambo Federation.

Si Sy, na world no. 1 sa women’s +80kg sport sambo division, ay malaking dagdag sa kampanya ng Pilipinas para sa medalya sa continental meet na ginaganap sa ilalim ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee (NST-IAC).

Depensang kampeon si Sy sa heavyweight class matapos talunin si Buyanzaya Ser-Ochir ng Mongolia para sa ginto sa 2025 10th edition sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang 27-anyos na pride ng Davao City ay isa sa dalawang Pinoy grappler na nagwagi ng ginto sa nakaraang torneo, kasama si Aislynn Yap sa women’s -80kg combat class.

“Nakita ko na ang draw sa aking timbang at sa tulong ng ating home crowd, naniniwala kaming malaki ang tsansa naming muling maging kampeon,” ani Tancontian, pinuno ng International Sambo Federation Athletes’ Commission.

Optimistiko rin si Tancontian sa kampanya ng kanyang anak sa torneo na inaasahang lalahukan ng mahigit 500 atleta mula sa 31 bansang kasapi ng Sambo Union of Asia and Oceania.

“Malaking bagay na makakalaro ang aking anak na si Sydney sa Asia-Oceania Sambo Championships. Malaking inspirasyon siya sa national team at sa bayan. Kapag nandiyan siya, iba talaga ang kumpiyansa ng atleta natin,” diin niya.

Idinagdag ni Tancontian na P100 lamang ang tiket para sa apat na araw na kompetisyon at mabibili sa ticket booths ng Ninoy Aquino Stadium.

“Ginawa naming abot-kaya ang presyo ng tiket para sa mga sports fan dahil pagkakataon ito na mapanood ang pinakamahusay na grappler mula sa Asia at Oceania at masuportahan din ang ating mga kababayang atleta,” aniya.

“Pagkakataon na natin ito para suportahan ang ating magagaling na atleta ng sambo para sa karangalan ng ating bayan.”

Para sa mga hindi makakapanood nang live, maaaring tumutok sa sambo.live at sa Facebook Live ng opisyal na pahina ng PSC at Pilipinas Sambo Federation. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host …

POC Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

NAGING tampok ang mahigit 500 kabataan mula sa tatlong paaralan sa Tagaytay City sa pagdiriwang …

Philippine Sports Hall of Fame

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging …

Pato Gregorio PSC Philippine Sports Hall of Fame

Gregorio: Mga kampeon ng nakaraan, inspirasyon ng susunod na henerasyon

MANILA – Binigyang-pugay ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang mga alamat ng …

Serbia vs Dominican Republic W VNL

Serbia bumangon, Dominican Republic hanap pa rin ang unang panalo

MULING nakabalik sa tamang landas ang Serbia matapos pataubin ang Dominican Republic, 25-19, 25-23, 25-18, …