Tuesday , June 23 2026
Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito sa Signals World Tour 2026 concert ng P-pop sensation na BINI noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Mall of Asia Arena leg ay nagsilbing kickoff ng inaabangang world tour ng BINI matapos ang kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival, na sila ang naging kauna-unahang all-Filipino group na nagtanghal sa kilalang music festival sa Indio, California.

Sa isang meet-and-greet kasama ang BINI, inabutan ni Rory ang grupo ng tig-isang Kodak Charmera, isang digital toy camera na kasinlaki ng keychain at ibinebenta sa mga surprise blind box, na maaari nilang gamitin para makuha ang mga hindi malilimutang sandali sa kanilang world tour.

Sa isang Facebook post, pinuri ni Sen. Bam ang BINI bilang inspirasyon at pinagmumulan ng saya para sa kabataang Filipino, kabilang ang mga anak na sina Rory at Coco, na kapwa certified BLOOMs.

Salamat, BINI sa inspirasyon at saya na ibinibigay ninyo sa napakaraming kabataang Filipino. Kasama na riyan sina Rory at Coco,” wika ni Sen. Bam, na dumalo sa konsiyerto kasama ang kanyang asawang si Timi.

Nagpahayag din ni Sen. Bam na naging matagumpay ang world tour ng Nation’s Girl Group, na magtutungo sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos, Canada, Netherlands, Italya, Pransiya, United Kingdom, Singapore, Taiwan, Australia, at New Zealand pagkatapos ng kanilang concert sa Cebu sa Hulyo 11.

Hangad ko ang inyong tagumpay sa inyong world tour. Patuloy niyong ipagmalaki at ipakita ang galing at talento ng Filipino sa buong mundo,” wika niya.

Ang BINI ay binubuo nina Maraiah Queen Arceta (Aiah), Ma. Nicolette Vergara (Colet), Mary Loi Yves Ricalde (Maloi), Gweneth Apuli (Gwen), Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja (Stacey), Mikhaela Janna Lim (Mikha), Jhoanna Christine Robles (Jhoanna), at Sheena Mae Catacutan (Sheena).

Naghain si Sen. Bam ng Senate Resolution No. 370 upang parangalan ang BINI para sa kanilang pagtatanghal sa Coachella, at pinuri ang grupo sa pagdadala ng karangalan at pagmamalaki sa bansa at sa pagpapakita ng talento at sining ng Filipino sa pandaigdigang entablado.

Sinusuportahan din niya ang plano ng Department of Tourism (DOT) na gawing tourism ambassadors ang BINI, at iginiit na malaki ang papel ng mga artistang Filipino sa pagpapalaganap ng kultura, pagkamalikhain, at pagkakakilanlan ng bansa sa buong mundo.

Ayon kay Sen. Bam, makatutulong ang mga grupong tulad ng BINI upang maipakita sa mundo ang pinakamahuhusay na aspeto ng Pilipinas sa pamamagitan ng musika at entertainment, habang nagbibigay-inspirasyon sa kabataang Filipino.

Naniniwala ako na malaking inspirasyon ang BINI sa kabataang Filipino at magandang pagkakataon din ito para maipakita hindi lang ang talento ng Filipino, kundi pati ang kultura, creativity, init ng pagtanggap ng mga Pinoy, at ganda ng ating bansa,” sabi ni Sen. Bam.

Bilang kilalang tagasuporta ng talento ng Pinoy, nakipagtulungan si Sen. Bam sa mga lokal na artista para itampok ang pagkamalikhain at kakayahan ng mga Filipino noong kampanya sa halalan noong 2022 at 2025. Muli rin niyang ipinagdiwang ang lakas ng musikang Filipino sa People Power 40 Kick-Off Concert sa Quezon Memorial Circle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Santos Liwanag at Dilim

Gerald Santos bibida sa Liwanag at Dilim

MATABILni John Fontanilla MALAKING karangalan kay Gerald Santos ang makasama ang ilan sa mahuhusay na actor sa …

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …