Friday , June 19 2026
Pops Fernandez Kim Atienza SPEEd The Eddys

Pops Fernandez, Kim Atienza hosts ng 9th The Eddys

ISANG maningning at puno ng kasiyahang pagtatanghal at pagbibigay parangal sa mga natatanging bituin at bumubuo sa mga pelikulang Filipino ang inaasahan sa nalalapit na 9th The Eddys(Entertainment Editors’ Choice) sa Hulyo 5, Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts,  Pasay City.

Pangungunahan nina Concert Queen Pops Fernandez at batikang TV anchor Kim Atienza ang seremonya na inorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Maglalaban-laban ang mga natatanging pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa nakalipas na taon para sa 14 na kategorya, kabilang ang Best Picture, Best Director, Best Actor, at Best Actress.

Magbubukas ang programa sa isang special production number kasama sina Fred Moser at Kanata Tapia ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 at ang cast ng advocacy drama na I’m Perfect.

Ipiprisinta naman ng Kapuso actor at AKTOR PH chairman Dingdong Dantes ang mga nagawa at patuloy na mga hakbangin ng organisasyon sa pakikipagtulungan sa SPEEd, habang ang dalawang grupo ay patuloy na bumubuo ng mga programa sa pakikipag-ugnayan sa komunidad at pakikipagtulungan sa industriya.

Pangungunahan ng Inspirational Diva Jamie Rivera ang isang taos-pusong pagtatanghal para sa Posthumous Tribute segment.

Maghahandog naman ng espesyal na awitin ang Bossa Nova singer na si Andrea Gutierrez at ang singer-songwriter na si David Young bilang pagsasara ng programa.

Ang ika-9 na edisyon ng The Eddys ay ididirehe ng concert director na si Calvin Neria, mula sa produksiyon ng Echo Jham sa ilalim ng pamamahala ni Ms. Mhae Sarenas. 

Ang taunang kaganapan ng SPEEd ay sinusuportahan ng Playtime Entertainment, Manila Marriott Hotel, Globe Telecom, Unilab Inc., Sound Check, at Beautéderm Corporation. 

Nagsilbing pangunahing venue partner ang Luxent Hotel. Dito isinagawa ang screening ng mga nominadong pelikula at ang natakdang pag-aanunsiyo sa Hunyo 25 ng mga nominado sa bawat kategorya, na si QC Councilor Alfred Vargas ang magiging espesyal na panauhin. 

Tulad ng mga nakaraang taon, ang Chan Robles & Company sa pangunguna ni Juancho Robles ang mangangasiwa sa pagbibilang ng boto para tiyakin ang transparency sa proseso ng pagpili.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor at mga mamamahayag mula sa mga pangunahing broadsheet, tabloid, at nangungunang online news portal sa buong bansa. 

Ang The Eddys ay nagsisilbing paraan ng grupo sa paghikayat sa mga Filipino filmmaker, producer, manunulat, aktor, at iba pang kaalyadong artista sa industriya ng pelikula sa Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang hilig sa paglikha ng mga pelikulang sumasalamin sa realidad ng lipunan habang kinikilala rin ang artistikong merito at epekto sa takilya.

Para sa iba pang detalye, pumunta lang sa opisyal na Facebook page ng The Eddys (Entertainment Editors’ Choice).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …