RATED R
ni Rommel Gonzales
SINABI ni Vandolph Quizon na hanggang ngayon ay pamilya ang turingan nila ng buong cast ng kanilang sitcom na Home Along Da Riles na umere noong 1992 hanggang 2003.
Siyempre, kasama sa kanilang “pamilya” sa sitcom ang beteranang aktres na si Cita Astals.
Nagkuwento si Vandolph sa guesting niya sa Kay Susan Tayo vlogs ng veteran journalist na si Susan Enriquez.
“Alam mo tita, si Tita Cita, lagi kaming nandiyan for her. Noong nag-start ito ever since, isinama namin siya.
“Kasi alam namin ‘yung pinagdaraanan niya.
“Eh pamilya rin si Tita Cita. So hangga’t paano, nandiyan kami for her. So lahat ng ginagawa namin, isinasama namin siya.”
May film version na ang kanilang sitcom, ang Home Along Da Riles: Da Reunion na palabas sa mga sinehan ngayong June 17.
Pagpapatuloy pang paglalahad ni Vandolph, mahusay na artista si Cita.
“Alam mo si Tita Cita, ang galing umarte!
“At saka napakatalinong tao. She just needs someone to talk to. And we are here, the Cosme family, the ‘Home Along Da Riles’ family, is always here for her.
“At dala namin siya kahit saan kami magpunta,” bulalas pa ni Vandolph.
Sa direksiyon ni Boy2 Quizon, nasa pelikula rin sina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, at Nova Villa at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com