Wednesday , June 17 2026
Vince Maristela Rak Rak - Sense of Love

Sparkle artist Vince Maristela pang-internasyonal na

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI lang pam-Pilipinas, pang-international din ang datingan ng male Sparkle artist na si Vince Maristela.

Isa si Vince sa mga kasali sa isang Korean reality dating show sa Thailand, ang Rak Rak – Sense of Love. 

Nag-guest kasi si Vince recently sa It’s Showtime at nang kumustahin ni Vice Ganda ang kanyang showbiz career ay naikuwento ng una ang tungkol sa kanyang partisipasyon sa Thai show bagamat hindi pa siya puwedeng magdetalye.

That time kasi ay hindi pa umeere ang finale ng eight-episode series sa streaming service na Viu.

Ang Rak Rak – Sense of Love ay isang dating reality show na inaalam ang isang simpleng tanong: ‘Paano magsisimula ang pagmamahal nang wala kang alam tungkol sa iyong partner-to-be?’

Eight participants o “Sense Mates” ang maghahanap ng kanilang makakapareha na ang tanging alam lang ay pangalan ng isa’t isa at wala ng iba pa.

Bawat araw ay mamimili ng isang taong makaka-match nila sa pamamagitan lang ng kanilang five senses na sight, touch, hearing, smell, o taste.

Isang matched couple lang ang mabibigyan ng pagkakataon na manatili sa isla overnight na ginawa ang show habang ang iba naman ay mapipilitang umalis.

Goal ng show na ipakita kung paano maaaring magkaroon ng attraction ang dalawang tao sa pamamagitan lamang ng intuition at hindi logic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …

Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa …