NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo Cordial sa kanyang vlog.
Ang latest celeb na naging panauhin ni Madame Charo ay ang singer-songwriter na si Kris Lawrence na laman ng balita ngayon dahil sa mabuting relasyon sa dating partner na si Katrina Halili na may isa silang anak na si Katie.
Siyempre, ang tanong ng marami eh kung may chance pa bang magkabalikan sina Kris at Katrina. Walang direktang sagot si Kris tungkol sa balikan.
Pero maayos ang samahan nila at walang pressure.
“Gusto ko ‘yung ganitong flow. No pressure. Just go with the flow,” saad ni Kris.
Ang maganda nilang samahan ni Katrina eh maganda rin ang epekto sa anak nila na may mild case ng Autism Spectrum Disorder.
“Super improving si Katie. She’s very sharp,” sambit ng singer.
Marami pa kayong malalaman kay Kris at kung paano siyang hindi tumigil sa audition bago manalo sa Star In A Million.
Eh kahit lumaki sa America, amindo si Kris na hindi sila mayaman at marami siyang pinasok na trabaho to survive.
At pagdating sa alahas, ang pinaka-favorite niya ang diamond bracelet na kanyang pinahahalagahan.
Learn more about Kris sa vlog Madame Charo sa official Facebook, Tiktok, at You Tube pages ng naturang jewelry store.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com