Tuesday , June 9 2026
Matanao School Earthquake Mindanao

8,642 paaralan apektado ng lindol sa Mindanao

TINATAYANG 8,642 ang bilang ng mga paaralang apektado ng magnitude 7.8 lindol na yumanig sa bayan ng Maasim, lalawigan ng Sarangani nitong Lunes ng umaga, 8 Hunyo.

Sa pahayag ng Department of Education (DepEd), ang 8,642 apektadong paaralan ay mula sa 43 divisions sa anim na rehiyon.

Sa Situation Report No. 3 na inilabas dakong 5:00 ng hapon kahapon, sinabi ng DepEd na naantala ng lindol ang mga klase para sa 4,090,246 mag-aaral at 156,282 school personnel sa Region 9, 10, 11, 12, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at CARAGA Region.

Lumabas sa rapid damage assessment ng DepEd Incident Management Reporting System: 381 silid aralan ang bahagyang napinsala, 93 ang lubhang napinsala, at 62 ang tuluyang nawasak.

Dagdag ng kagawaran, ikokompirma at ibeberipika pa ang mga bilang ng mga disaster coordinator at mga structural engineer.

Yumanig ang magnitude 7.8 tectonic earthquake dakong 7:37 ng umaga, 32 kilometro timog kanluran ng Maasim, Sarangani, may lalim na 33 kilometro.

Samantala, nauna nang nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng posibleng mga pinsala sa mga ari-arian at mga aftershocks kasunod ng malakas na pagyanig.

Ipinag-utos ni Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara ang deployment ng mga engineer upang agad masuri ang mga apektadong paaralan, partikular sa Regiyon 12, na pinakamalakas ang naranasang pagyanig.

Ipinadala rin ang mga structural engineer mula sa DepEd Central Office upang tumulong sa pagsuri sa kaligtasan ng mga gusali at pagtukoy sa mga silid-aralang maaari at ligtas pang gamitin.

Pahayag ni Angara, na nasa lungsod ng Cotabato sa gitna ng emergency response, unang prayoridad ng DepEd ang kaligtasan ng mga mag-aaral, mga guro, at mga tauhan ng paaralan, kaya nararapat na  magsagawa ng malalimang inspeksiyon sa mga pasilidad bago ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Itinalaga rin ang DepEd Central Office Agile Response Team (DART), kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council, upang tumulong sa field validation, koordinasyon, at response operations sa mga apektadong lugar.

Ipinag-utos ng Disaster Risk Reduction and Management Service sa mga paaralan na i-activate ang kanilang mga earthquake contingency plan at palakasin ang mga sistema ng pagbabantay at pag-uulat, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng pagkaantala sa komunikasyon at k0ryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Northern Police District, NPD

1,279 pulis ng NPD kasado na sa pagbubukas ng klase

KASADO na ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CaMaNaVa) na nasasakupan ng Northern …

Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad …

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …