Monday , June 8 2026
Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa pagpasok niya sa pag-aartista.

Ani Christy sa Kiskisan/Dibdiban mediacon ng VMX, matagal na niyang gustong mag-artista. 

Sinabi ko na gusto kong mag-showbiz at nasa plan ko talaga iyon. 

“Pero wala siyang idea na into sexy role ako,” nangingiting pagbabahagi ni Christy.

“Pero siya rin naman nagse-sexy din siya hindi nga lang into nudity talaga,” sambit pa ng sexy star.

Suportado naman si Christy ni Meg sa pinasok nito.

“Sinabi niya (Meg) sa akin na kung saan ako masaya roon siy.

Support pa rin siya kasi nagse-sexy din naman si Ate Megs.

“Medyo nagulat lang siya kasi dati baby-baby lang niya ako tapos, boom! nagpapakita na,” natatawang wika pa ni Christy.

Kasama ni Christy sa Kiskisan/Dibdiban na idinirehe ni Rey Gilbraltar si Apphle Celso.

Si Apphle ay singer at dating miyembro ng P-Pop girl group na LITZ (Life in the Sunshine). Kasama niya rito si Ashtine Olviga na very vocal ang pagpapahayag ng paghanga sa galing niyang kumanta.

Siyempre happy ako roon na ibinibida niya ang galing kong kumanta. Lagi naman niyang sinasabi iyon sa akin na, ‘uy ang galing mo.’ 

“Noong time na magkasama kami sa girl group sinasabi ko, ‘ano ka ba kaya mo rin ‘yan. Kung ano ginagawa ko kaya mo rin kailangan mo lang ng kaunting confidence at kaunting push.’

Ganoon kami sa grupo, pinu-push namin ang bawat isa,” pagbabalik-tanaw ni Apphle.

Hindi naman itinago ni Apphle na sobrang proud siya sa naabot ni Ashtine.

Kasi nabigla rin kami, kasi ‘wow! Andyan ka na.’ Parang dati pinag-iisipan lang namin na pangarap niya parang ang level niya Kathryn Bernardo. 

“So, masaya ako for her kasi andoon na siya papunta na siya roon (itaas),” sabi pa ni Apphle ukol kay Ashtine.

Ukol naman sa career niya na nagpapa-sexy, aminado si Apphle na hindi niya napaghandaan.

 “Nasa girl group po ako before. Kahit po song siya parang ‘yung vibe o character na pino-portray ko sa girl group cute siya pero sexy. 

“So hindi mawawala ‘yung sexy kasi andoon na ‘yun sa character ko. Hindi ko ito pinaghandaan. Pinasok ko ito ng wala akong idea, ano ang gagawin ko, walang practice, as in wala akong pinagtanungan,” wika ng dalaga.

Kaya naman nang sumabak siya sa kanyang first project sa VMX talagang ikinagulat at ikinabigla niya.

So, first project ko sa VMX sobrang ‘ha?, ganoon po ba iyon?’ ‘So tanggalin mo na ‘yan.’ ‘Ganoon po ba?’

“So parang nabigla ako, walang preparedness, walang kahit na ano, walang idea,” nangingiting tugon pa ni Apphle

Subalit na-enjoy naman ni Apphle ang tinatahak ng kanyang career ngayon.

“Na-enjoy ko naman siya. Ako kasi iyong tipo ng taong nag-eenjoy to explore na ‘a ganito pala ginagawa rito.’

“Nae-enjoy ko na natututo ako specially bago ito, nagpapa-sexy. So, wala walang pagre-ready na ginawa,” sambit pa ni Apphle.

Samantala, bibida sina Christy at Apphle sa isang Girl Love movie, ang Kiskisan/Dibdiban 

kasunod ng tagumpay ng dati nitong espesyal na feature na Kiss/Kiss.

Ipakikita sa pelikula ang intimacy, desire, at komplikadong mga relasyon. Mapapanood na sa VMX simula June 16.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Xia Vigor Miracle in Cell No 7

Xia Vigor, wish makagawa ng MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami …

JJ Rivera Ahaja Glaiza de Castro

JJ Rivera Ahaja sinubok galing sa pag-arte

CHALLENGING ang unang pagsabak ni JJ Rivera Ahaja sa drama ng mainstream TV. Isang special child ang …

SPEEd La Casa Maranan

SPEEd humataw sa La Casa Maranan Malaking proyekto plantsado na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKABULUHAN ang ginanap na summer outing at bonding ng grupong Society of …

Charina Carmen Josol

Charina Carmen Josol beauty queen pinasok pag-aartista at singer

HARD TALKni Pilar Mateo SEVENTEEN siya nang ligawan ng lumalabas na sa pelikulang si Matthew Mendoza. …

Mr M Vibe Starworx

Mr. M balik-Vibe

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang nakungkot nang kumalat ang balitang tsugi na sa TV5 ang kalilipat pa lang …