Friday , June 5 2026
Mia Japson

Recording artist na si Mia Japson, proud sa nakamit na parangal 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THANKFUL ang bagets na recording artist na si Mia Japson sa nakamit na parangal sa ginanap na 11th Inding-Indie Excellence Awards sa Camelot Hotel, Quezon City.

Kuwento ni Mia, “Ang award ko po ay Youth Empowerment Music Advocate of The Year award.

“Just to say, hindi po ako nabigyan ng award as an artist, kung hindi as an advocate for the youth. Kaya I’m very happy po, first time ko po na makakuha ng ganitong award, kaya I’m just so happy po and proud.”

Esplika pa ni Mia, “So, pinili po nila ako as their youth excellence award for 2026. Na parang, they saw me as someone na speaker for the youth.”

Ayon pa kay Mia, nang nalaman niya ang matatanggap na award ay nagulat daw siya.

Aniya, “Very surprising po on my part nang nalaman ko po at nabasa ko iyong message nila sa akin. They explained to me, si direk Ryan Favis na isa sa founder ng Inding-Indie na napanood daw niya ako sa isang show at nagandahan siya sa sagot ko about sa mental health.”

Nalaman din namin na kabilang sa advocacy ni Mia ang ukol sa mental health at mga may neurodivergent conditions.

Mas na-inspire ba siya sa kanyang advocacies dahil sa nakamit na award?

Paliwanag niya, “I think, with or without the award, to advocate for these  people or people in general… kasi, hindi po dapat i-disregard ang mga taong ganoon. So, kahit wala pong award, kahit mayroon, it’s this thing na it’s all in the mindset, it’s all on how you think. Pero kahit wala iyon, dapat alam natin na nandiyan sila at hindi sila mistakes.”

Si Mia ay isang senior high Grade 12 student sa National University Nazareth School (NUNS). Bukod sa pagkanta, kabilang sa kanyang talento ang pagiging composer, dancer, at painter.

Ngayon ay nadagdag na sa kanyang list of talents ang pagiging direktor ng play titled “Darse Cuende: Hindi Namalayan” na ipinalabas last week.

Anyway, ang latest single ni Mia ay pinamagatang “April” at siya mismo ang nag-compose nito. Ito ay available sa Youtube at Spotify.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …