Tuesday , June 23 2026

Sa Articles of Impeachment
ULTIMATUM NGAYON PARA KAY VP SARA

Sa Articles of Impeachment <br> ULTIMATUM NGAYON PARA KAY VP SARA

ni Niño Aclan

HANGGANG ngayong araw, 1 Hunyo, ang ultimatum na ibinigay ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte - Carpio para sagutin ang inihaing Articles of Impeachment ng Kamara laban sa kanya. 

Matapos magtilon ang senado bilang impeachment court ay agad naglabas ng summons para tumugon ang kampo ng bise presidente sa loob ng sampung (10) araw. 

 Inihayag ni impeachment clerk of court Senate Secretary Atty.  Jose Luis Montales, handa ang korte na tanggapin ang ihahain ng kampo ng bise presidente.

May dalawang opsiyon o pagpipilian ang VP sa paghahain ng tugon:  personal o via email. 

Kung personal, maaaring ihain ang sagot sa pamamagitan ng kanyang legal team puwede siyang sumama kung nanaisin niya. 

Tanging ang Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB) ang opisyal na magsasagawa ng dokumentasyon. 

Ngunit maari namang magkaroon ng media coverage sa Quezon at Tolentino rooms sa ikalawang palapag ng gusali na itinalagang media holding at coverage area. 

Papayagan ng impeachment court na humarap sa media ang legal team ng bise presidente kung gusto nila.

Sa sandaling matanggap ng korte ang tugon ng bise presidente ay padadalahan ng summons ang prosecution team. 

Limang araw ang itinatakda para sumagot ang prosekusyon bago ang paghaharap ng mga pangalan ng testigo at mga ebidensiya bago magsimula ang paglilitis.

ni Niño Aclan

HANGGANG ngayong araw, 1 Hunyo, ang ultimatum na ibinigay ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte – Carpio para sagutin ang inihaing Articles of Impeachment ng Kamara laban sa kanya.

Matapos magtilon ang senado bilang impeachment court ay agad naglabas ng summons para tumugon ang kampo ng bise presidente sa loob ng sampung (10) araw.

 Inihayag ni impeachment clerk of court Senate Secretary Atty.  Jose Luis Montales, handa ang korte na tanggapin ang ihahain ng kampo ng bise presidente.

May dalawang opsiyon o pagpipilian ang VP sa paghahain ng tugon:  personal o via email.

Kung personal, maaaring ihain ang sagot sa pamamagitan ng kanyang legal team puwede siyang sumama kung nanaisin niya.

Tanging ang Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB) ang opisyal na magsasagawa ng dokumentasyon.

Ngunit maari namang magkaroon ng media coverage sa Quezon at Tolentino rooms sa ikalawang palapag ng gusali na itinalagang media holding at coverage area.

Papayagan ng impeachment court na humarap sa media ang legal team ng bise presidente kung gusto nila.

Sa sandaling matanggap ng korte ang tugon ng bise presidente ay padadalahan ng summons ang prosecution team.

Limang araw ang itinatakda para sumagot ang prosekusyon bago ang paghaharap ng mga pangalan ng testigo at mga ebidensiya bago magsimula ang paglilitis. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …

Arrest Shabu

Sa Pasay City
P1-M+ shabu nasamsam sa 3 HVI drug pushers

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang tatlong high value individuals …

BBM Vladimir Putin

24 Pinoy 9 buwan kulong sa Russia nakauwi na sa bansa

LIGTAS na nakauwi sa Filipinas ang 24 migranteng manggagawa na halos siyam na buwan nakulong …

062226 Hataw Frontpage

Sa Estados Unidos
PINAY PINANANAGOT SA US$1-B PANDURUGAS SA HEALTHCARE INSURANCE

HATAW News Team NAHAHARAP sa multiple federal charges sa Estados Unidos ang isang Filipina nurse …