MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapod na UniversiTeen 2.0 na ginanap sa Hard Rock Cafe, Makati kamakailan.
Dalawa sa banda na talaga namang umani ng malakas na palakpakan at hiyawan ay ang grupong The Sonnets at 25 Abbey. Kasama
Sq mga bandang ito sina Migo at Ronan na anak ni Atty. Rey Bergado ng sikat na bandang InnerVoices.
Inilunsad sa UniversiTeen 2.0 ang bagong single ng The Sonnets, ang Ambon.
Ayon kay Migo, lead vocalist ng The Sonnets, ang Ambon ay maihahalintulad sa kalungkutan, na kung minsan ay dumadaan sa estado ng ating buhay na nalulungkot tayo, kaya naman maraming tao ang makare-relate sa kanilang kanta.
At sa patuloy na pagdami ng sumusuporta sa kanila at sa kanilang mga awitin ay labis-labis na nagpapasalamat si Migo.
Ang The Sonnets ay binubuo nina Migo, Justin, at Joed.
Available na ang kantang Ambon sa Spotify at sa iba pang streaming platforms.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com