Thursday , June 18 2026
Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge
ANG Lithuanian duo na sina Monika Paulikiene at Aine Raupelyte ang kampeon sa women’s division at sa men's division nanaig ang Australian pair na sina Thomas Hodges at Ben Hood.sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge. Silver medal sa women's division sina Alaina Chacon at Madelyn Anderson, ng USA habang sa men's division sina Adrian Heidrich at Yves Haussener ng Switzerland. Bronze medal women's division naman sina Emi Van Driel at Mila Konink ng Netherlands at Julian Friedli at Jonathan Jordan ng Swizerland. (PNVF PHOTOS)

Lithuanians, Aussies nagharing kampeon sa Nuvali Challenge

SANTA ROSA, Laguna — Nasungkit ng Lithuanian duo na sina Monika Paulikiene at Aine Raupelyte ang kampeonato sa women’s division ng Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge matapos durugin ang Americans na sina Alaina Chacon at Madelyn Anderson, 21-12, 21-11, sa harap ng masiglang crowd noong Linggo ng gabi sa Nuvali Sands Courts.

Pinangunahan ng 6-foot-6 na si Raupelyte ang opensiba sa net, lalo na sa second set kung saan mabilis na lumobo ang kalamangan ng Lithuania sa 18-8 matapos ang isang masuwerteng dig ni Paulikiene.

Tinangkang humabol ng Team USA nang paliitin nina Chacon at Anderson ang agwat sa 19-11, ngunit hindi na sila pinatawad pa ng Lithuanian pair. Isang attack point ni Paulikiene ang nagbigay ng championship point bago tinapos ni Raupelyte sa pamamagitan ng floating ball attack para maselyuhan ang kanilang unang titulo bilang magkapareha.

“Ginawa ko lang ang best ko at naging agresibo sa blocking,” ani Raupelyte matapos umukit ng 23 puntos mula sa 16 kills at pitong blocks.

Nag-ambag naman si Paulikiene ng 10 puntos mula sa walong spikes at dalawang aces, at hindi napigilang maluha matapos makuha ang kauna-unahang gold medal ng kanilang tambalan.

Ayon kay Raupelyte, malaking bagay ang kanilang samahan sa loob ng court.

“Maganda ang atmosphere namin at lagi kaming nagtutulungan,” dagdag niya.

Matapos mabigo sa kanilang unang dalawang finals sa Mexico at China, sa wakas ay nabasag din ng Lithuanian tandem ang sumpa at naiuwi ang gintong medalya.

Samantala, nanatiling mailap ang titulo kina Chacon at Anderson, na muling yumuko kontra Lithuania sa kanilang huling tatlong paghaharap.

Sa men’s division, nanaig naman ang Australian pair na sina Thomas Hodges at Ben Hood 

matapos ang come-from-behind 14-21, 21-16, 15-8 panalo laban kina Adrian Heidrich at Yves Haussener ng Switzerland.

Matapos matalo sa first set, bumawi ang Australians sa matinding opensa sa second at deciding set. Maagang umabante sina Hodges at Hood sa 10-4 bago tuluyang kontrolin ang laban.

Isang malaking block ni Hodges ang nagdala sa kanila sa championship point bago tuluyang tinapos ni Hood sa isang malakas na palo.

“Kailangan lang naming manatiling kalmado at magtiwala sa isa’t isa,” sabi ni Hodges, na nagtala ng 23 puntos.

Nag-ambag naman si Hood ng 11 puntos para sa kanilang unang titulo sa torneo.

Sa women’s bronze medal match, nanaig sina Emi Van Driel at Mila Konink ng Netherlands laban kina Valentyna Davidova at Anhelina Khmil ng Ukraine, 22-20, 21-18.

Samantala, nasungkit nina Julian Friedli at Jonathan Jordan ang bronze sa men’s division matapos talunin ang Germans na sina Philipp Huster at Sven Winter, 18-21, 21-13, 15-13. (PNVF/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST Ilocos Region Open Gov Week 2026

DOST Ilocos Region Recognized as Valued Partner in Advancing Open Governance

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) led by Regional Director …

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB), in partnership with the Department …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …