Saturday , June 20 2026
TOPS Roll Ball
PANAUHIN sina (L-R) Tony Ortega Philippine Roll ball Association president at PRA Coach Jayson Seneres, tinalakay ang isports na Roll ball sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

Komunidad ng Roll Ball lumalawak

SA patuloy na pag-usbong ng mga bagong sports sa bansa, mas lalong nakikilala ngayon ang Roll Ball bilang isa sa mga pinaka-dynamic at exciting na larong nagbibigay ng bagong oportunidad para sa mga atletang Pilipino. 

Ito ang naging tampok na pahayag ni Philippine Roll Ball Association (PRBA) President Tony Ortega sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ibinahagi ni Ortega ang patuloy na pagsisikap ng asosayon na palawakin ang popularidad ng Roll Ball sa buong bansa. Ayon sa kanya, malaking potensyal ang nakikita nila sa sport lalo na sa kabataan.

“Malaki ang future ng Roll Ball sa Pilipinas dahil likas na athletic at competitive ang mga Pilipino. Gusto naming maipakita na kaya nating makipagsabayan sa international level kapag nabigyan ng tamang suporta at exposure,” pahayag ni Ortega.

Aniya, patunay ang matikas na kampanya ng bansa sa nakalipas na Asian Roll Ball Championship sa Vietnam at sa World Cup sa Dubai.

“Hindi man tayo nakapaguwi ng medalya, naipakita natin ang kakayahan ng mga Pilipino sa sports. Considering na three years pa lang natin na nabuo ang asosasyon, patunay na adobtable tayo sa anumang sports,” aniya.

Mas napalawak din ng PRBA ang komunidad sa pagbuo ng Lingayen Roll Ball Federation sa pangangansiwa ni coach  Julius Sison, Ph.D, at Coron, Palawan Roll Ball Association sa ilalim ng pamumunuo ni coach Joven Seneres.

Ipinaliwanag din niya na patuloy silang nagsasagawa ng grassroots programs, clinics, at exhibition matches upang mas maraming kabataan ang mahikayat na subukan ang naturang sport na pinagsasama ang skating, passing, speed, at teamwork.

Samantala, binigyang-diin naman ni Coach Seneres ang kahalagahan ng tamang disiplina at commitment sa paglalaro ng Roll Ball. Ayon sa kanya, mabilis ang pacing ng laro kaya kinakailangan ng focus, stamina, at mahusay na coordination.

“Hindi lang ito basta skating game. Kailangan dito ng strategy, teamwork, at mabilis na pagdedesisyon. Kapag natutunan ng mga bata ang Roll Ball, nade-develop din ang kanilang confidence at discipline,” ani Seneres.

Dagdag pa niya, nakatutulong nang malaki ang mga programa sa komunidad  upang mas makilala pa ng publiko ang Roll Ball at makahikayat ng suporta mula sa iba’t ibang sektor.

“Masaya kami na nabibigyan ng pagkakataon na maipakilala ang sport sa mas maraming Pilipino. Sana mas marami pang schools at local government units ang tumulong para lalo itong lumawak,” dagdag ni Seneres.

Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng pasasalamat sina Ortega at Seneres sa media at sports community sa patuloy na pagbibigay ng plataporma para sa mga umuusbong na sports sa bansa. Umaasa rin silang balang araw ay makapagbibigay ang Roll Ball ng panibagong karangalan para sa Pilipinas sa international competitions. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Gibo Teodoro Atty Russel Miraflor

Sec. Gibo Teodoro, inasunto  sa citizenship

PORMAL na naghain ng reklamo ang isang grupo sa pamumuno ni Atty. Russel Miraflor laban …

North Genesis Bus

24  North Genesis bus pinatawan ng suspensiyon sa Baguio City road crash

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 24 …

Isko Moreno Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

Limang suspek arestado sa pagbebenta ng expired na pagkain sa Quiapo

ARESTADO ang limang indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga expired na pagkain sa Quiapo, …

Madi Kubik-Banks USA Dominican Republic VNL

Dinomina ng USA ang Dominican Republic sa one-sided na panalo sa VNL sa PhilSports

PASIG CITY — Nagpakita ng mahusay at organisadong laro ang binagong koponan ng Estados Unidos …

CCTF Climate Change Task Force Hooranky Bae

World-Renowned Artist Hooranky Bae and Climate Change Task Force Sign Landmark Agreements for Global Climate Action and Sustainable Development

The Climate Change Task Force (CCTF), led by Director- General Albert P. Dela Cruz, announced …