NASA 79 sultada ang nakatakdang magtapat sa pangalawang araw ng semi-final round ng ikalawang edisyon ng 2026 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby, na pinangunahan ng Pintakasi of Champions, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Sa pangunguna ng Pintakasi of Champions, ang derby ay nakatakdang magkaroon ng 3-cock semis ngayong araw, at ang mga bigating sabungerong nakasungkit ng tig-dalawa at isang panalo ang magsasagupa sa pagtatapos ng elimination round.
Kabilang sa mga maglalaban sa semi-final round ay ang entry ng mga sumusunod: AEJ Bros., Rod Advincula/ATK/TRB, Elmer David/Arnold Mendoza, Papa Bravo/KV, Johr Abelida, Bhong Juntereal/Doc Marvin Rocafort, Potpot Tagokgok, Guam, Doc Ayong Lorenzo/Doc Gil, Roberto Rosales/BBSB, Capt. JQ De Castro/Rhona Estrada, Laurence Wacnang, MJ Rillo, JOP/MJ, Pep Goitia/Alvin Arañez/Jun Soriano, Rhona Bullecer, Ito Ynares/Boy Torres, Anthony Marasigan, Malabon Group, D. Mayberry/R. Limbaga/R. Kaparaz/R. Gutierres, VG Odi Fausto/Board Odi Boy Fausto/V. Aznar Sierra, Rey Rio De Leon, Jesry Palmares/Dan Miller/Charlie Chan, Arnel Paras/Jun Durano, Toto Dela Peña, Poloy Aquino/Jun Durano, and NATNS/CJB/JEB; na parehong nakapagtala ng tig-dalawang panalo at walang talo pagkatapos ng elimination round.
Ang mga sabungerong magwawagi sa semi-finals ay aabante sa four-cock pre-finals sa Mayo 24 at grand finals sa Mayo 25, kung saan tatanghalin ang bagong kampeon ng nasabing torneo.
Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaaring bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa http://www.worldslashercup.ph.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com