Thursday , June 11 2026
Kamao Anton Vinzon

Anton Vinzon ganap nang dramatic action star sa Kamao

RATED R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang kanyang tumatak na role sa Mga Batang Riles at minahal na stint sa Pinoy Big Brother, nagbabalik si Sparkle star Anton Vinzon sa kanyang unang solo lead project na Kamao.

Mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula May 25, ang Kamao ay sumasalamin sa kwento ng bawat Filipino na nananatiling matatag, matibay, at lumalaban para sa pamilya sa kabila ng mga pagsubok ng buhay.

Ang kauna-unahang sports drama ng GMA ay pagbibidahan ni Anton kasama ang mga beteranong artista sa pelikula at telebisyon na sina Amy AustriaRoi VinzonWendell RamosNeil Ryan Sese, at Katrina Halili.

Mas magiging exciting pa ang serye dahil sa pagsasama-sama ng promising young dramatic stars at trending social media personalities na sina Bruce RoelandTherese MalvarChanty VidelaTito Abdul at Tito MarsyMatt LozanoEuwenn Mikaell.

Iikot ang serye kay Makmak (Anton) na isang amateur boxer at nangangarap maging kampeon. Pero ang pinakamabigat niyang laban ay hindi sa loob ng ring, kundi sa sarili niyang tahanan. Madadamay siya sa mga kasinungalingan at kontrobersiya ng kanyang dating boxing champion na ama, habang hinaharap din ang malupit na pagdidisiplina ng kanyang lolo.

Habang tinatahak ni Makmak ang laban para sa championship belt, matututunan niya na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa tropeo o parangal, kundi sa pagtatagumpay sa mga laban sa buhay.

Sa direksyon nina L.A. Madridejos at Richard Arellano, kasama si Kevin de Vela bilang associate director, ipakikita ng Kamao na ang tunay na panalo ay ang mas makilala ang sarili at matagpuan ang pagmamahal, kapayapaan, at pagtanggap sa loob ng pamilya.

Pinatutunayan din nito ang lawak ng talento ni Anton sa drama, comedy, romance, at intense action, dahilan para maging karapat-dapat siyang maging bida sa GMA Afternoon Prime.

Abangan Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito ng Global Pinoys sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” …

Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My …

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …