Tuesday , June 9 2026
World Slasher Cup 2026
ISINAGAWA ang Pitting of the cock nina Tony Marfori (kaliwa) at Jorge Goitia ng California, habang nakamasid at nagbigay ng sigla sa okasyon sina (mula sa kaliwa) 2025 Bb. Pilipinas 2nd Runner up Kathleen Espinido, 2025 Bb. Pilipinas 1st Runner up Dalia Verde Khattab, at Katrina Johnson 2025 Bb. Pilipinas Miss International sa ginanap na press conference sa Novotel Manila, Araneta City ng 2nd edition ng 2026 World Slasher Cup (WSC) na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City mula Mayo 19 hanggang 25. (HENRY TALAN VARGAS)

WSC 2026, Sisimulan ang 2nd Edition sa Big Dome

PORMAL nang inilunsad ang 2nd edition ng World Slasher Cup (WSC) 2026 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City mula Mayo 19 hanggang 25.

Mahigit 275 entries mula sa iba’t ibang lokal at internasyonal na breeders ang nakatakdang maglaban-laban para sa prestihiyosong kampeonato sa isa sa pinakamalaking torneo ng sabong sa mundo.

Ginanap ang press conference noong Mayo 16 sa Monet 3 Ballroom ng Novotel Manila Araneta City, kung saan dumalo ang mga breeders, media personalities at panauhin para sa opisyal na paglulunsad ng torneo.

Ayon kay Irene L. Jose, chief operating officer ng Uniprom Inc., na nangangasiwa sa Smart Araneta Coliseum, inaasahan nila ang matinding partisipasyon sa torneo dahil nananatili itong nakaugat sa tradisyon at integridad ng sport.

Muling babalik ang torneo sa Big Dome matapos ang matagumpay na pagdaraos ng 9-cock invitational derby noong Enero 26 hanggang Pebrero 1 ngayong taon.

Kabilang sa tampok na personalidad sa torneo sina Mike Formosa ng Hawaii at mga kilalang Filipino cockfighting legends na sina Patrick Antonio, Ed Apari at Biboy Enriquez.

Susundin ng WSC ang tradisyunal nitong anim na araw na format. Gaganapin ang elimination rounds sa Mayo 19 at 20, semifinals sa Mayo 21 at 22, habang ang final qualifying bouts ay sa Mayo 24. Itatakda naman sa Mayo 25 ang kampeonato upang malaman ang overall champion.

Kilala bilang “Olympics of Cockfighting,” ang World Slasher Cup ay isa sa pinakamatagal at pinakasikat na derby competitions sa larangan ng sabong. Unang inilunsad ito noong 1963 sa makasaysayang Big Dome.

Sa unang edisyon ng WSC 2026 ngayong taon, nagsalo sa kampeonato ang entries nina Rod Advincula/Tata Rey Briones/Tony Kho, Don Guam/Nad Mendoza, Jonarie Fortaleza/Robert Santiago, at Biboy Enriquez matapos magtala ng magkakaparehong 8-1 win-loss records.

Samantala, nakapagtala rin ng walong puntos sa pre-finals ang tambalan nina Pep Goitia at Alvin Aranez.

Para sa iba pang detalye tungkol sa torneo, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng World Slasher Cup o ang kanilang Facebook page. (Araneta City PR/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …

060826 Hataw Frontpage

3 Pinoy sugatan sa drone strike sa Kuwait

HATAW News Team TATLONG Pinoy ang iniulat na nasugatan sa drone strike sa Kuwait International …

DHSUD Pag-IBIG Fund Lipa Batangas 4PH Program

Sa pinalawak na 4PH Program ni PBBM
DHSUD, Pag-IBIG Fund nagkaloob ng mga bahay at lote sa Lipa, Batangas

PATULOY na naghahatid ng bagong tahanan para sa mga pamilyang Filipino ang “Pinalawak na Pambansang …

AVC Womens Volleyball Cup

Vietnam nangibabaw, Chinese Taipei umarangkada sa AVC Women’s Volleyball Cup

CANDON CITY — Ipinagpatuloy ng nagdedepensang kampeon na Vietnam ang kanilang dominasyon sa Asian Volleyball …